It’s a girl for Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo; to name her Juana Luisa

Sa pamamagitan ng kanilang Instagram accounts, kinumpirma ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na babae ang kanilang ikatlong baby, na papangalanan daw nilang Luna.


Babae ang magiging anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Sa kani-kanilang Instagram accounts ngayong Biyernes, September 4, inanunsiyo ng mag-asawa na babae ang kanilang ikatlong baby.

Papangalanan daw nila itong Juana Luisa, a.k.a. Luna.

Sa kanilang Instagram posts, magkasama sa larawan ang mag-asawa kung saan kitang-kita ang baby bump ni Juday, na ngayon ay nasa kanyang ikalimang buwan ng pagdadalantao.

Nilagay ng mag-asawa sa caption ang pangalan ng kanilang baby girl—"LUNA."

It's a GIRL!! Juana luisa aka "LUNA" ❤️❤️ 🌙

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) onSep 3, 2015 at 8:38pm PDT

Dalawa na ang anak nina Juday at Ryan, ang panganay nilang si Yohan at ang 4-anyos na si Lucho.

June 10 nang kumpirmahin ni Ryan na nine weeks nang buntis si Juday sa Eat Bulaga, kung saan isa siya sa mga hosts].

Read: Ryan Agoncillo confirms wife Judy Ann Santos is pregnant


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN