Mark Herras happy for Alden Richards: "Dahil 'yan sa kanyang ugali na napakabait… bini-bless lang siya ni Lord."

Mark Herras was StarStruck's first Ultimate Male Survivor, and he's back in the show's revival as a journey host. He says, “Nakakatuwa kasi babalikan ko yung mga batang kapatid na parang new and younger version of us... nandiyan kami para alalayan silang lahat.”


Masaya si Mark Herras sa tinatamasang tagumpay ngayon ng kasamahan niya sa GMA Network at kaibigan na si Alden Richards.

Sabi ni Mark, “Si Alden is a very good friend of mine.

“Parehas kaming taga-Laguna.

"Magkapitbahay kami, ika-fourth street lang sila from our house."

Hindi ba niya inakalang mas sisikat pa si Alden kaysa sa kanya?

“Hindi ko naman sinasabi yun... I mean, okay lang sa akin yun.

“Alam niya yun ever since, wala naman po sa akin yun.

“Kahit sino pa yung nasa harapan ko, kahit sino pa yung nasa likod ko na umabante or mas sumikat sa akin, I’m happy.

“Dahil gusto ko lahat, lahat, makuha yung... like yung fame, di ba?"

Patuloy ng Kapuso actor, "Yung lahat ng ginagawa ni Alden, I’m so happy.

"Kasi, every time na mag-check ako sa social media, AlDub, AlDub, Alden, Alden...

“Sabi ko, ‘Grabe dimples ng taong ‘to! Bakit ako wala akong dimples, di ba?’

“Pero natutuwa ako and I’m so proud.

"Kasi si Alden, napaka-down to earth na tao.

"Napakabait na tao niyang si Alden Richards.

“And alam ko yung nangyayari sa kanya, dahil 'yan sa kanyang ugali na napakabait…

"Bini-bless lang siya ni Lord."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa presscon para sa hosts ng StarStruck Season 6, na ginanap noong August 31, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Si Mark ang isa sa segment hosts ngayon ng StarStruck, na eere na simula sa Lunes, September 7.

Kasama ni Mark bilang journey hosts sina Kris Bernal, Miguel Tanfelix, at Rocco Nacino; members ng council o judges naman sina Regine Velasquez-Alcasid, Joey de Leon, at Jennylyn Mercado.

Main hosts naman ng StarStruck sina Dingdong Dantes at Megan Young.



STARSTRUCK 6. Si Mark ang itinanghal na Ultimate Male Survivor sa season one ng StarStruck.

Unang beses niyang maghu-host sa StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I’m so thankful… this time, hindi ako isinama sa StarStruck para makipag-showdown sa sayawan or makipag-aktingan sa kanila.

“This time, I’ll be there sa gilid nila or sa harap nila or sa likod nila.

"Para malaman kung ano yung nangyayari sa pang-araw-araw na buhay nila.

“Iyon din yung na-experience ko way, way back, twelve years ago.

“Nakakatuwa lang na after everything ng nangyari sa buhay ko, after everything ng pinagdaanan ko...

"Makakasama ko yung bagong batch ng StarStruck kung saan nga po ako nagsimula.

“Bilang isa sa mga hosts, pag medyo feeling ko na this contestant, e, medyo kulang sa ganito, mangingialam at mangingialam ako.

“May chance ako na makatulong sa kanila personally, na malalapitan ko sila, makakausap ko sila personally.”



ADVICE. Unang nasilayan ni Mark ang Top 35 contestants ng StarStruck 6 sa dance workshop ng mga ito kay Douglas Nierras, na siya ring nagturo sa kanila ng sayaw noong 2003.

Hindi pa raw alam ni Mark noon na isa pala siya sa magiging segment hosts ng naturang reality-based artista search ng GMA.

Akala raw niya noong una ay parte lamang siya ng dance workshop ng bagong batch.

Lahad niya, “Sabi ko sa kanila, ‘Guys, kung gusto niyo talagang... hindi naman kailangang mag-improve kayo kayo agad-agad.

“'Pero ang kailangan kasi with StarStruck is yung hunger ninyo for fame.

"'Yung hunger niyo na hindi lang gusto ninyong maging artista dahil uso, dahil may social media.'

“Kasi with this new batch, medyo kampante sila na parang, ‘E, may social media naman. Mabilis lang tayo makakapag-plug, makakapag-promote.’

“And baka lang naman isipin nila na, ‘Kuha tayo ng manager sa labas, baka iyon yung kailangan.’

“Sinabi ko sa kanila na hindi iyon ang kailangan nila.

"Ang kailangan nila, ayusin, i-improve nila kung saan sila mahina.

"Mahalin nila yung ginagawa nila."

Patuloy ni Mark, "Lagi ko namang sinasabi sa lahat ng batch, huwag silang magiging mayabang after this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi pag naramdaman kong nagiging mayabang sila, dun pa lang, puputulin ko na yung sungay nila.

“And I’ll be their kuya, kasi iyon naman yung role ko, e, maging good example sa kanila.

“Kasi iyon naman yung kailangan kong gawin for them.

“Bilang isa ako sa... ang tawag daw sa amin ay journey hosts, sasamahan namin sila from day one up to Final Judgment Day.

“I’m sure na magiging epic yung feeling, kasi naramdaman ko yun twelve years ago, yung Final Judgment Day.

“Then, after twelve years, mararamdaman ko siya ulit.

"Pero bilang hindi na ako yung matatanggal, hindi na ako yung mananalo.

“Pero it’s kinda same feeling, kasi Final Judgment Day, the heartbeat…

“Nakakatuwa kasi babalikan ko yung mga batang kapatid na parang new and younger version of us.

“Na kaya naming alalayan, nandiyan kami para alalayan silang lahat.”



DADDY MARK. Magda-dalawang taong gulang na ang anak ni Mark na si Ada sa November 7.

Kaya masaya raw si Mark na hindi siya ganun ka-busy ngayon.

“So, nagkakaroon ako ng maraming time to spend para sa anak ko.

“Kasi sobrang dun ako nakatutok ngayon, iba yung naibibigay na saya ni Ada sa akin.

“And I’m so thankful na ngayon, I have work, I’m busy, but I still have time para sa anak ko,” saad niya.

Bago ito ay naging busy si Mark sa iba-ibang projects sa GMA; tulad ng Wagas, Karelasyon, Wish Ko Lang, Imbestigador, Pari ‘Koy, at My Mother’s Secret.

Mayroon daw siyang isa pang upcoming show, “Pero hindi ko pa po puwedeng sabihin and I’m so excited.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN