Kris Bernal says Aljur Abrenica is working hard to be active again in showbiz

Kris Bernal frets as the 'Social Media Bae' of StarStruck 6, “Ang bigat kasi... like, the word 'bae,' very related yun kay Alden [Richards]."


Panibagong pagkakataon ang ibinigay kay Kris Bernal ng Kapuso network bilang isa sa journey hosts ng StarStruck Season 6.

Nanggaling si Kris sa reality-based artista search na ito ng GMA kung saan itinanghal siya bilang isa winners.

Aniya, “It’s my first hosting job, I’ve never done hosting before.

“Honestly, it’s a very humbling experience, kasi nga parang ate na nila kami.

“Naging host ka, parang ibig sabihin, yung mga contestants, they look up to you.

“Ikaw na yung titingnan nila, ikaw na yung example na gusto nilang maging.

“So, siyempre masarap yung pakiramdam, pero alam ko challenge lang rin ito sa akin, e.

“Hindi pa naman kasi ako host talaga, di ba?

“And, yun lang, thankful lang ako na nabigyan ako ng hosting job.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa presscon ng StarStruck Season 6 noong Lunes, August 31, sa GMA Network Center.

ALJUR. Ka-batch at co-winner ni Kris sa StarStruck 4 si Aljur Abrenica, na naging ka-loveteam din niya.

Noong 2014 ay naghain ng reklamo si Aljur laban sa GMA Network upang ipawalang-bisa ang kontrata niya rito na sa 2017 pa magtatapos.

Bagamat ngayon ay muli nang napapanood sa ilang programa ng Kapuso network, kapansin-pansing wala siya sa StarStruck 6 bilang isa sa journey hosts.

Ang mga makakasama ni Kris ay sina Mark Herras, Miguel Tanfelix, at Rocco Nacino.

Kinumusta ng PEP kay Kris si Aljur.

Pahayag ng dalaga, “Lagi namang may times sa buhay natin na sometimes we make bad decisions.

“Sometimes hindi maganda yung effect sa atin ng mga desisyon natin, so I guess napagdaanan ni Aljur yun.

“I know how Aljur feels right now, that he really wants to go back to work and make drama shows again, maging active ulit in showbiz.

"And he’s working hard for it right now. Nakikita ko yun ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tini-text niya ako, sinasabi niya sa akin na sana marami ulit na dumating na trabaho sa kanya.

“And as his loveteam, siguro nandito lang din ako to support him.

“But, ayoko lang kasi magsalita… hindi naman ako sure, kasi siya naman yung nakakaramdam nun.

“Siya naman yung nakakaalam ng totoo sa sarili niya, so ayoko magsalita din in behalf din of Aljur.”



SOCIAL MEDIA BAE. Samantala, malaking challenge daw kay Kris ang pagiging "Social Media Bae" ng StarStruck 6.

Natatawang sabi niya, "My God, paano ko kaya panghahawakan yun!

“I’m so pressured, it’s a very big challenge for me.

"Kasi, una, kailangan malaki rin ang influence ko sa social media.

“E, alam naman natin na napakalawak ng social media, and sometimes everyone based it on social media, on the Internet.

“So, ngayon, feeling ko, I should give extra effort para maging active sa social media, sa Internet, sa communication with the fans.

"At the same time, ang role ko is to promote the contestants, the hopefuls, na makilala pa lalo ng audience."

"Social Media Bae" ang papel ni Kris sa bagong season ng StarStruck.

Hindi kaya awayin siya ng fans ni Yaya Dub at ng AlDub fans dahil ang "Pambansang Bae" ay si Alden Richards?

Ayon kay Kris, “Ang bigat kasi ng Social Media Bae.

"Like, the word 'bae,' alam naman nating very related yun kay Alden.

“Na siya ang nagpapasikat ng word na 'bae' ngayon, so medyo mabigat sa akin.

"Kasi ako naman yung parang counterpart, parang babae.

“So, I hope the people would love me as a host and as an ate of the StarStruck hopefuls.”

So, handa na siyang ma-bash ng fans ni Yaya Dub o Maine Mendoza?

Sabi ni Kris, “Puwede nila akong i-bash but, honestly, I’m a fan of Yaya Dub.

“Ang galing-galing niya, hindi ko alam kung paano niya nagawa yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And she’s very charming, talagang kuhang-kuha niya yung masa.

“Even me, na I don’t get to watch TV every day, but since nandiyan sila, parang natututukan ko yung Eat Bulaga.

“So, yun, and I have so much respect for the fans of Yaya Dub.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN