Vin Abrenica no more tampo with TV5: “Sobrang tagal na po nun.”

“Kung sino ang nandoon, hilaan kami pataas, never kaming maghilahan pababa, kapit-bisig kami,” says Vin Abrenica about his brother Aljur Abrenica.


Tapos na raw ang pagtatampo ni Vin Abrenica sa kanyang mother network, ang TV5.

“Yung tampo, sobrang tagal na po nun. Kaya now, I'm really, really happy, that's what's important for me,” nakangiting sabi ng Artista Academy winner sa press conference ng bago niyang proyekto sa TV5, ang My Fair Lady, na ginanap kahapon, September 3.

Kung dati'y tila nagpahiwatig siyang napababayaan ng TV5, ngayon ay pasasalamat na ang bukambibig ng young actor.

“Para sa akin, sobrang grateful now. Thank you so much for trusting me with this role,” pag-uulit ni Vin.

Hindi kaya dahil sa pagtatampo niya noon kaya ibinigay sa kanya ang My Fair Lady?

Sagot ni Vin, “No. Love talaga ako ng TV5 ever since.

“Kaya ako nagtampo, siyempre parang baby ako, e. Kapag mga babies, nagtatampo.”

Matatandaang naglabas noon ng sama ng loob si Vin sa TV5 dahil tila mas napapaboran ang runner-up niya sa Artista Academy na si Mark Neumann, na bida ngayon sa teleseryeng Baker King.

Read: Vin Abrenica admits tampo with TV5 for prioritizing Mark Neumann over him

Ngayon, ani Vin, “Magkaiba po kami ng career path ni Mark.

“So, kung iba yung career paths namin, ibang project yung para sa akin.”

Kaugnay nito, hindi rin daw siya nababahala sa mainit na pagtanggap ng TV5 audience sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Baker King.

“Para sa akin, sobrang happy ako.

"Mark is my brother. Sobrang mahal ko ang taong 'yon.

“I'm proud sa kung ano ang achievements ng kapatid ko dito sa network namin.

“I suppose, dapat lahat kami maging proud for each other.”



PROUD OF ALJUR. Proud din si Vin sa kanyang nakatatandang kapatid na si Aljur. Abrenica.

Bagamat kapansin-pansin na mas madalas na siyang nakikita kaysa sa kanyang kuya, pahayag ni Vin, “I've always been a fan ng brother ko. I look up to him always.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every time I see him, hindi nawawala yung he's still my brother, and I'm always proud that he's my brother.”

Sa ngayon, abala raw si Aljur na maging mas mahusay na aktor sa pamamagitan ng mga workshop.

“Nakikita ko lang siya, he's not stopping, e.

“Every day, pag-uwi ko, I see a different guy sa bahay.

"Hindi ko alam kung bakit ganito, yun pala nagwo-workshop siya sa bahay.

“He's really working hard.

"So, para sa akin, sobrang proud talaga ako.

"Minsan sumasama ako."

Dagdag niya, “Kung sino ang nandoon, hilaan kami pataas, never kaming maghilahan pababa, kapit-bisig kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN