Vice Ganda comments on AlDub fever: "Bago pa naman nagka-AlDub, talagang may kumpetisyon na ang ABS at ang GMA."

Vice Ganda on sharing his blessings with It's Showtime viewers: "Dahil mas blessed ako, mas malaki yung chance na makapag-share ng blessings ko. Siyempre, pag walang-wala ka naman, anong isi-share mo? Ngayon, mas maraming blessings ang ibinigay sa akin ng Diyos, kaya mas malawak ang blessings na puwede kong i-share."


Itinuturing ni Vice Ganda na “healthy competition” ang nangyayaring labanan sa pagitan ng kanilang noontime show sa ABS-CBN na It’s Showtime at sa katapat nilang programa sa GMA Network, ang Eat Bulaga.

Sa ngayon ay umaalagwa sa ratings ang Eat Bulaga! dahil sa pinag-uusapang “AlDub fever”—ang tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice, sa studio ng It’s Showtime sa ABS-CBN, kahapon, September 3, nagbigay siya ng pahayag kaugnay ng umiinit na kumpitensiya sa pagitan ng kanilang programa at ng Eat Bulaga.

Saad niya, “Bago pa naman nagka-AlDub, talagang may kumpetisyon na ang ABS at ang GMA.

“Hindi lang naman Showtime saka Eat Bulaga.

“Teleserye nila, kakumpitensiya ng teleserye namin… lahat.

“Kaya napakaipokrita, napakaipokrito na pagka sinabi ko, ‘Naku, walang kumpetisyon!’

“May kumpetisyon ‘yan, and it’s a healthy competition.”

Isa sa inaabangan sa Eat Bulaga! ay ang AlDub, kung saan nagpapalitan ng mensahe sina Alden at Yaya Dub sa pamamagitan ng Dubsmash.

Kaugnay nito, tinanong namin si Vice kung totoo ang balitang may isang segment daw na hinahanda ang It’s Showtime kung saan magpapakita rin siya ng husay sa pagda-Dubsmash.

“Of course not, that’s not true,” pagtanggi ng comedian-TV host.



MADAM BERTUD. Samantala, isa naman sa inaabangang segment sa It’s Showtime ay ang “#AdViceGanda,” kung saan nagbibigay ng payo si Vice bilang si Madam Bertud.

Pahayag niya, “Yun naman ang gusto ko, yun naman ang gusto namin talaga, na maraming maka-relate.

“Para habang tinatalakay namin ang issue ng isang tao, hindi lang parang siya ang pinag-uusapan namin, kundi marami ang nakaka-relate sa pinag-uusapan, na parang sila din ang kinakausap ko.”

Marami rin ang natuwa na kamakailan ay nagbigay si Vice ng P25,000 sa isang matandang mag-asawa na nanonood ng It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alaman naming ilan sa ipinamimigay na premyo sa kanilang programa ay galing mismo kay Vice at sa ilang malalapit na kaibigan niya.

Saad niya, “At the same time, bukod sa nakakapagpasaya ka ng tao, nakakatulong ka rin.

“Kasi mas blessed ako ngayon.

“Dahil mas blessed ako, mas malaki yung chance na makapag-share ng blessings ko.

“Siyempre, pag walang-wala ka naman, anong isi-share mo?

“Ngayon, mas maraming blessings ang ibinigay sa akin ng Diyos, kaya mas malawak ang blessings na puwede kong i-share.

“May mga nanggagaling sa akin, may ibang nagpe-pledge din.

“Sinasagot din ng Showtime, may ibang sinasagot ang mga kaibigan ko, like sila Kris Aquino.

“Maraming nagtutulong-tulong, maraming tao ang gustong magbigay ng good vibes sa maraming tao.”



KRIS AQUINO & COCO MARTIN. Nabanggit na rin lang niya si Kris Aquino, kinumusta namin kay Vice ang kalusugan ng kaibigan pagkatapos nitong maospital kamakailan.

Ayon kay Vice, “Honestly, di kami masyadong nagkakausap.

“The last time na tinawagan ko siya, di niya nasagot, feeling ko nagpapahinga pa siya.

“I’m sure she’ll be alright, madaming nag-aalaga sa kanya.

“At kahit naman si Kris, di niya pababayaan ang sarili niya.”

Kinumusta rin namin kay Vice ang ginagawa nilang pelikula ng kaibigang si Coco Martin para sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Aniya, “Nakapag-shoot na kami isang beses, naikasa na namin bago pa nag-ghost month [August].

“May pinaniniwalaan silang ganun, na dapat bago mag-ghost month, maikasa na yung movie.

“Naikasa na namin tapos magre-resume na kami this month.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN