Rocco Nacino says Alden Richards's popularity now is well-deserved

Rocco Nacino gets emotional as one of the journey hosts of StarStruck Season Six. He says, “Mahirap kasi mararamdaman ko kung ano yung nararamdaman nila [contestants]. For sure magiging emotional ako when interviewing the hopefuls. But at the same time, it will also help me understand them kung ano yung pinagdadaanan nila.”


Isa pa sa masaya para sa tinatamasang popularidad ngayon ni Alden Richards ay si Rocco Nacino.

Sa mga hindi nakakaalam, magka-batch sina Rocco at Alden sa Batch 5 ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck noong 2010.

Si Rocco ay nakaabot sa Final 14 at itinanghal na Second Prince o second runner-up; habang si Alden naman ay hanggang sa Top 60 lamang ang inabot.

Ayon kay Rocco, “We’re under the same handler kaya lagi kong nakukumusta si Alden, 'Is he doing good, kumusta yung mga projects?'

“So, may level of closeness din kami.”

Ano ang isinasagot sa kanya ni Alden?

“Nagpapasalamat siya, sinasabi ko sa kanya, ‘You’re everywhere!’”

Naniniwala si Rocco na well-deserved ni Alden ang tagumpay na tinatamasa nito ngayon, na nag-ugat sa tambalan nila ni Yaya Dub o Maine Mendoza—ang AlDub.

"Of course, of course!" bulalas ng Kapuso actor.

"I’m just happy na tuwing binubuksan ko yung Instagram and Twitter ko, ‘Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo!’

“In a good way, ha, in a good way...

"I’m sure nag-e-enjoy po siya sa posisyon niya ngayon.

"And kampante ako na hina-handle niya nang maayos ito.

“He’s very smart when it comes to his finances and yung image niya, paano niya inaalagaan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa press launch ng StarStruck Season 6, noong August 31, sa GMA Network Center.



JOURNEY HOST. Samantala, nagbabalik si Rocco sa StarStruck bilang isa sa journey hosts ng Season 6.

Makakasama niya bilang journey hosts sina Mark Herras ng Season 1, Kris Bernal ng Season 4, at Miguel Tanfelix ng StarStruck Kids.

Ano ang pakiramdam na isa siya sa journey hosts ng StarStruck Batch 6?

“Nakakakaba!” bulalas ni Rocco.

“Kasi from there, nandito naman ako," sabay-muwestra niya ng magkaibang sides, kumbaga.

“Mahirap kasi mararamdaman ko kung ano yung nararamdaman nila [contestants].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For sure magiging emotional ako when interviewing the hopefuls.

“Nakakakaba dahil yun nga magiging emotional ako.

"But at the same time, it will also help me understand them kung ano yung pinagdadaanan nila."

Sa batch nina Rocco ay si Steven Silva ang itinanghal na Ultimate Male Survivor at si Enzo Pineda naman ang First Prince o first runner-up.

Wala na si Steven sa GMA; at wala raw dapat maging intriga kung bakit si Rocco ang napili at hindi si Enzo as journey host ng StarStruck 6.

Sabi ni Rocco, “Enzo’s been doing good projects din, siguro nakita lang nila [GMA] na I’m fit for the job rin.

"And I’m just happy na ibinigay sa akin ito.”

Hindi raw nila napag-uusapan ni Enzo ang tungkol dito.

“Walang ganunan. It was more of, ‘Uy Bro, congrats, ha?’”



EXPECTATION. Kung isa siya sa judges sa StarStruck, ano ang isang katangiang hahanapin niya sa artista hopefuls?

Ayon kay Rocco, “Kailangan makita ko ang sarili ko kung paano ko tiningnan itong competition.

"Dahil hindi ko hinayaan na mag-happy go lucky ako, e.

“Sinigurado ko na focused ako all the time and I made sure na ginusto ko talaga na mag-excel kada challenge.

“At malaking bagay sa akin kung paano nila iha-handle ang failure.”

Kung ibabalik ang panahon, sasali bang muli si Rocco sa StarStruck?

“Yes, yes,” bulalas niya.

“Dahil ngayon, I’m reaping the benefits of what I got from StarStruck.

“Isang total workshop siya, training, e, so nagagamit ko sa pag-aartista ko ngayon.”

Sa batch nina Rocco sa StarStruck, masasabing siya ang may pinakabonggang career.

Napapanood ngayon si Rocco sa primetime series na Beautiful Strangers.

Wala na sina Steven at Sarah Lahbati sa GMA, at mas nagbibida si Rocco kaysa kina Enzo at Diva Montelaba.

Sabi niya tungkol dito, “Let’s use Alden [Richards] as an example, na isa siyang example na hindi nagtagumpay sa isang competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nagbu-bloom siya ngayon… he waited for his right time at ngayon napakaganda ng career niya.

“So, for me, although I’m happy kung saan ako ngayon, darating yung time po na magsa-shine din talaga ako.

“Not just for me, [also for] Sarah, Steven, Enzo, Diva.

“Yun ang pinagtatrabahuhan namin na makamit namin, dumating sa time na mag-bloom bigla yung career namin.”

JIUJITSU TOURNEY. Samantala, nakatakdang lumipad patungong Japan si Rocco para makilahok sa 2015 Jiujitsu Asian Open.

Aniya, “Marami po kami, buong team po kaming magko-compete. We will represent the Philippines.”

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit hindi rarampa si Rocco sa Cosmo Bachelor Bash ngayong Sabado, September 5, sa MOA Concert Grounds.

“Una po, wala po akong time mag-prepare for Cosmo dahil sa taping.

“Second, I’m doing a lot of strength training dahil may competition po ako sa Japan.

"Jiujitsu competition, so lilipad po ako ng September 10.”

Blue belt na ang level ni Rocco sa naturang sports na ang mga level ay white, blue, purple, brown at ang pinakamataas na level na black.

“From white to blue mga three to five years pero suwerte ako I got it in one and a half years with the complete training.”

Nais daw ni Rocco na makamit ang black belt.

“Of course, ibang journey na yun.

"Sana makaaabot ako dun dahil ang daming learnings.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN