Denise Laurel on delayed wedding plans with fiancé, "Mahal namin ang isa’t isa, darating kami diyan."

Denise Laurel harks back to her musical theater days to prepare herself for tough competition in Your Face Sounds Familiar, “Blessing din ito sa akin kasi yung challenge ko sa sarili ko dito is to get in touch with my inner artist, inner singer."


October 2013 pa nang i-announce ni Denise Laurel sa kanyang Instagram account na engaged na siya sa longtime boyfriend at PBA player na si Solomon Mercado.

Magdadalawang-taon na ang nakakalipas ay wala pa ring definite date na lumalabas kung kailan ba magpapakasal ang dalawa.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Denise noong September 3, sa presscon para sa new season ng Your Face Sounds Familiar, kung saan isa siya sa mga contestants.

Aniya, hindi raw sila nagmamadaling magpakasal.

“Pang-ilang beses mo na akong tinatanong kung may date.

“Pero wala pa, but I think, finally, soon after Your Face maghahanap na kami ng date.

“Never naman kaming gumawa ng official plan or announcement, we got a lifetime to spend time together.

“Alam namin na mahal namin ang isa’t isa, darating kami diyan.

"Pero sa ngayon kasi, ang daming nangyayari sa buhay namin.

“Ang daming opportunities na dumarating, so go lang nang go, grab lang nang grab."

Isang single mother si Denise sa four-year-old son niya sa kanyang Italian-American ex-boyfriend.

Siniguro ng aktres na walang problema sa pagitan ng fiancé at anak dahil sobrang close nga raw ang dalawa.

“They’re very much okay, lagi nga nilang sinasabi it’s like they are meant to be.”

WISH GRANTED. Samantala, bilang isa sa contestants sa Your Face Sounds Familiar New Season na mapapanood na sa September 12, binanggit ni Denise na sa season one pa lang ng show ay gusto na raw niyang sumali.

“It’s an answered prayer kasi nga talaga, season one pa lang, teaser pa lang, gusto ko na talagang sumama.

“Akala ko kasi dati, every week different batch of artists, sabi ko, ‘I want to audition,’ yun pala the whole season.

“Sabi ko the moment na may season two, I wanna be the first one there to audition.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MUSICAL BACKGROUND. Marami ang hindi nakakaalam na bukod sa pag-arte ay may background sa teatro at marunong kumanta si Denise.

“Musical theater talaga ako, dun ako talaga nagsimula.

"But it’s been years, like ten years to 15 years…I’ve done anything.

“Blessing din ito sa akin kasi yung challenge ko sa sarili ko dito is to get in touch with my inner artist, inner singer.

“Kasi for a time sabi ko, ‘Wala naman may gusto na marinig ang boses ko.’

“Parang tinakwil ko ang boses ko, ‘Useless ka naman, magpo-focus muna ako sa acting’”

“Tingnan natin kung nandiyan pa siya.

"But I’m looking forward to getting to know yung self ko.”

Regular na napapanood si Denise sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, hindi kaya mahirapan siya sa schedule kung magiging parte siya ng dalawang shows ng Kapamilya network.

“Ginusto ko ito, e, Monday, Wednesday, Friday, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

“Tuesday, Thursday, minsan Saturday, dito ako [Your Face], it’s just a matter of how you manage your time…

"Gusto ko naman ang mga ginagawa ko.”

Masaya rin daw si Denise sa pagpasok ng karakter ni Richard Yap sa teleserye, kung saan nagkaroon na sila ng eksenang magkasama sila ng aktor.

“I have my first scene with him kahapon [September 2], nakakatuwa kasi acquaintance lang kami.

“I only see him on TV, nakakatuwa na part na siya ng show namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN