Kris Bernal shows concern for Aljur Abrenica: “Gusto ko mawala lahat yung negative issues sa kanya.”

Kris Bernal on former screen partner Aljur Abrenica: “Gusto kong makatulong sa kanya, gusto kong mahalin ulit siya ng tao kung paano niya nakuha yung puso ng mga tao dati. Gusto ko mawala lahat yung false judgment ng tao.”


Sa tingin ni Kris Bernal ay panahon na para ibalik ang StarStruck sa telebisyon.

Sabi niya, “It’s about time kasi ang daming hopefuls, e."

Idinagdag niyang napapanahon na rin para sa GMA Network na kumuha ng mga bagong talents na may star quality.

Aniya, “Kasi siyempre, iilan na lang din kami dito sa GMA network, so kailangan ng bago.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa presscon ng StarStruck Season 6 noong Lunes, August 31, sa GMA Network Center.

Magsisimula itong umere sa Lunes, September 7, sa GMA, at ang main hosts ay sina Dingdong Dantes at Megan Young.

Kasama rin dito bilang judges o members of the council sina Jennylyn Mercado, Joey de Leon, at Regine Velasquez-Alcasid.

Kasama naman ni Kris bilang Journey hosts sina Mark Herras, Rocco Nacino, at Miguel Tanfelix.

Ano naman ang masasabi ni Kris sa mga winners ng StarStruck na hindi na active sa showbiz or lumipat sa ibang istasyon?

“Sa akin siguro, sabi ko nga, it’s just God’s right timing.

“You have your time and if God gives you that time, mahalin mo, ibigay mo na lahat.

“So yun nga, may mga umalis and may mga nawala, pero if God really wants you to be an artista, na sumikat ka, gagawin ni Lord yun.

“Pero kung hindi, ibig sabihin may different path sa iyo si God,” pag-aanalisa niya.

Hiningan din namin si Kris ng advice para sa thirty-five StarStruck hopefuls.

“Always give you best shot. Always think that it’s your first and your last para wala kang pagsisisi.

"Matanggal ka, mapili ka, alam mong ginawa mo yung best mo,” lahad ng StarStruck Season 4 alumna na nanalo kasama si Mart Escudero bilang Ultimate Loveteam.



CAREFUL ABOUT CAREER. Si Kris ay sinasabing isa sa mga prime leading ladies ng Kapuso network, ano ang reaksiyon niya tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahihiya niyang sagot, “Naku, good luck naman sa akin!

“Yeah, I understand, talagang nata-touch ako 'pag tinatawag nila akong isa sa mga prinsesa, ganyan, pero medyo struggle kasi ako sa career ko ngayon, e.

“Actually, I’m at a point na very careful ako, kasi this project might make or break me, 'pag binigyan ako ng proyekto.

“Alam mo yun? Yung parang, ‘Nasaan na ba ako?’

“I ask myself also kasi may time rin na... di ba may time na sumikat talaga kami ni Aljur, na talagang minahal yung loveteam namin?

“So ngayon ang problema ko, paano ako makakapag-stay?”

May mga projects naman siya in the past, tulad ng Hiram Na Alaala na hindi si Aljur Abrenica ang kapareha niya.

“Oo, but gusto ko ulit ng show na alam mo yung pag-uusapan talaga, na talagang makakatulong sa akin,” diin niya.

Sa tingin ba niya, kung hindi nabuwag ang AlKris ay mas nagtuluy-tuloy ang sabay na pagsikat nila ni Aljur?

“Hindi naman, kasi siyempre kailangan rin naman naming mag-grow. And kailangan naming ma-partner rin sa iba-iba para hindi rin magsawa yung audience,” paliwanag niya.

Pero nagkaroon ng following ang AlKris.

“Oo, actually until now,” pagsang-ayon niya.



HOPES TO REKINDLE LOVETEAM WITH ALJUR. Nais ba niyang maibalik ang AlKris, at pagsamahin sila sa isang drama series muli ng GMA?

Mabilis niyang sagot, “Wish kong ibalik! Wish kong ibalik pero hindi ko nga alam kung kailan.

“Actually, until now. Of course, I ask questions also, 'Kailan yung next show ko?'

“Pero hindi sa nag-e-etchos ako, pero wala pa silang sinasabing specific show or time or…”

Paano kung pagkatapos ng (or during) StarStruck ay bigyan siya ng GMA ng bagong serye na magkasama sila ni Aljur?

“Okay lang sa akin kasi gusto kong bumalik si Aljur.

“Gusto kong makatulong sa kanya, gusto kong mahalin ulit siya ng tao kung paano niya nakuha yung puso ng mga tao dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko mawala lahat yung negative issues sa kanya o false judgment ng tao. Gusto ko mawala yun kay Aljur,” pahayag niya.



LOVELIFE. Kinumusta namin si Kris tungkol sa kanyang personal na buhay o lovelife.

Si Aljur ay loveless. May chance kaya na maging sila?

Natatawa niyang sagot, “Ano, hindi na nawala 'yan, ha?

“Lagi naman kaming loveless pareho.”

So kumusta nga ang lovelife niya ngayon?

“Okay naman. Happy ako,” matipid niyang hirit.

Masaya raw si Kris kahit walang lovelife.

Nagkaroon sila ng mutual understanding dati ni Aljur. Paano kung maging sila ni Aljur ngayon?

Tugon niya, “Siyempre depende sa kanya yun, di ba?”

Kung manligaw si Aljur ngayon?

“Of course, I would consider, kasi alam ko naman ugali ni Aljur as a boyfriend and as a friend.

"So he has the qualities and yung standards ko, masasabi kong nasa kanya din.

“Pero of course, hindi naman manggagaling sa akin yun, galing pa rin kay Aljur kung gusto niyang manligaw or whatever,” sabi niya.



THEATER. Bukod sa StarStruck Season 6 ay abala rin si Kris sa teatro.

Bida siya bilang si Clarissa o Maria Clara sa Noli at Fili Dekada Dos Mil ng PETA, kapareha si Lucho Ayala bilang Crisostomo/Jose Rizal.

Unang stage play ito ni Kris.

Pagmamalaki niya, “Nag-audition ako for the role and ever since I got the role, every single night, may rehearsal kami.

“Pag tagal naman, nakakabisado ko na kung paano yung trabaho sa teatro and it’s really different from TV. Ibang-iba talaga!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN