Mark Herras gives Aljur Abrenica a very sensible advice: “Ang pinakamagandang choice na gagawin mo sa buhay mo ay sarili mong desisyon, hindi desisyon ng ibang tao."

When asked what advice can he give Aljur Abrenica, Mark Herras said: “Ang pinakamagandang choice na gagawin mo sa buhay mo ay sarili mong desisyon, hindi desisyon ng ibang tao. Hindi desisyon ng tatay mo, hindi desisyon ng manager mo, hindi desisyon ng kung sinuman but your own decision.”


Wala raw kaso kay Mark Herras kung hindi siya kinuhang judge sa Season 6 ng StarStruck gaya ni Jennylyn Mercado.

Matatandaang sina Mark at Jennylyn ang itinanghal bilang Ultimate Male and Female Survivors sa unang season ng StarStruck noong 2003.

Hindi raw siya naiinggit o nagtatampo.

Nilinaw ni Mark, “Hindi, hindi. Kasi host din naman ako, pero siyempre magkaiba naman kami ng gagawin ni Jen.

“Pero never naman akong nainggit kung ano yung binibigay or binabato sa aking role or trabaho ng GMA.

“Lahat naman ng binibigay sa akin ng network, sobrang thankful ako.

“And I still feel so blessed na after everything, alam n'yo naman 'yan, na pinagdaanan ko sa buhay ko from day one up to now.

“After six seasons ng StarStruck, and kahit minsan sinasabi ng iba, ‘O, bakit wala kang soap?’

“Wala akong soap pero iniikot ko lahat ng shows ng GMA."

Kadalasan daw ay kina-cast sila sa panimulang bahagi ng serye.

Sa pagpapatuloy ni Mark, “And sabi ko nga po, nakakatuwa kasi ilang shows ng GMA na kahit sabihing nagpa-pilot lang ako pero still, kami yung nagsisimula ng show.

“Kami ni Kris [Bernal], bumalik kami sa Pari ‘Koy.

“And there’s this upcoming show ng BiGuel [Bianca Umali at Miguel Tanfelix loveteam], part din ako dun, yung Maybe This Time.

“And yung role ko dun, hindi rin kami sobrang mainstay but still, I’m so happy na naging part ako nun.

“Kasi iyon din naman yung gusto ko ngayon, na parang for twelve years... okay, sabihin nating for eight years na grabe yung schedule ko, kami ni Jen, Monday to Sunday, di ba?

“Ang pahinga namin, tulog lang for a while.

"And then ngayon, after lumabas ng baby ko and then still, busy pa rin."

Pabor daw sa kanya, in a way, ang nagyayari sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Mark, “Then ngayon, nagkaroon ako ng opportunity na parang kahit maging busy ako but I still have time for my daughter.

"Iyon yung pinaka-binibigyan ko ng oras, dun ko binubuhos lahat ng oras ko ngayon.

“Kasi ayoko namang sabihin na, kunyari hindi ko matutukan yung anak ko, 'tapos may, ‘Kumusta yung anak mo?’

“'Tapos wala akong alam, na parang, ‘Ah, okay naman siya.’

“Now, nasusubaybayan ko yung paglaki ni Ada. Nasusubaybayan ko lahat, ng mga bagong salita niya, mga bagong mannerisms niya, and nakakatuwa.”

Biniro namin si Mark kung kailan masusundan si Ada. Sabi niya, wala pa raw. Single siya ngayon at walang karelasyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa presscon ng StarStruck Season 6 noong Lunes, August 31, sa GMA Network Center.

Si Mark ay isa sa mga segment hosts ngayon ng StarStruck na eere na simula sa Lunes, September 7, sa GMA.

Kasama ni Mark bilang journey hosts sina Kris Bernal, Miguel Tanfelix, at Rocco Nacino.

Members ng council o mga judges naman sina Regine Velasquez-Alcasid, Joey de Leon, at Jennylyn Mercado, samantalang main hosts naman ng StarStruck sina Dingdong Dantes at Megan Young.



ADVICE FOR ALJUR. Speaking of StarStruck, since Ultimate Male Survivor si Mark, hiningan namin siya ng komento tungkol kay Aljur Abrenica na Ultimate Hunk ng StarStruck Season 4.

Medyo “lumamig” ang karera ni Aljur kasunod ng pagpapa-release nito ng kontrata sa GMA last year. Sa ngayon ay balik-Kapuso na siya.

Kuwento ni Mark, “Actually, parehas kami ng handler ni Aljur.

“So once in a while pag tumatawag sa akin yung handler ko or tumatawag ako sa handler ko, pag may trabaho na magkasama sila, once in a while nakakausap ko si AJ.

“Laging bungad sa akin nun, ‘Mentor!’

“Sabi ko, ‘Gago!’

“Sabi ko, ‘O, kumusta ka na?’ ‘Okay naman, 'eto papunta ng pictorial.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Personally hindi ko na tinatanong kung, ‘Bakit ganun? Bakit ganito? Bakit ganun?’

“Kasi tayo naman, kahit naman ako e dumaan naman ako sa time na ang dami kong maling desisyon sa buhay, ang dami kong nagawang negativity sa buhay.

“So, alam mo yun? Ang dami ko ring nagawang bad decisions sa buhay ko, pero still, kung gusto mong iayos, kung gusto mong ibalik sa diretsong linya, kaya mong gawin.

“And I’m sure kayang-kayang gawin ni Aljur yun.

“Iyon yung ginagawa niya ngayon. Slowly but surely, pero yung commitment niya sa trabaho niya ngayon, sobrang iba!

“Sobrang iba from dati. And masasabi ko na, 'Antay lang kayo, babalik siya, I’m sure!'”

May ibinigay ba siyang advice kay Aljur?

Patuloy niya, “Hindi ko alam ha, pero gusto kong ibigay sa kanya ito, hindi ko alam kung nasabi ko na sa kanya or gusto kong sabihin pa lang.

“Ang pinakamagandang choice na gagawin mo sa buhay mo ay sarili mong desisyon, hindi desisyon ng ibang tao.

“Hindi desisyon ng tatay mo, hindi desisyon ng manager mo, hindi desisyon ng kung sinuman but your own decision.

"Sarili mong pag-iisip, inisip mo siya nang sarili mo.

“And sa tingin mo ba pag sinabi mo yun, magiging okay yung kakalabasan? Kaya nga meron akong tattoo dito, ‘Life Is By Choice Not By Chance.’

“Kasi hindi mo naman puwedeng isisi sa ibang tao yung mga naging problema mo or lahat ng mga nangyari sa buhay mo, negative or positive man 'yan.

“Choice mo 'yan e it’s your own choice, di ba?

"So nasa sa iyo 'yan, nasa sariling desisyon mo 'yan kung paano mo ibabalik sa normal yung buhay mo.

“Kung paano mo siya iaangat ulit.

“Ako na-experience ko nang bumagsak, na-experience ko nang mawala for a while.

“Pero tama yung choice ko, yung naging desisyon ko na ibalik dun sa tamang... or sa gusto kong gawin sa career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’m happy to be here pa rin, na nandito pa rin ako in spite of every thing na mga nangyari sa buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN