Wally Bayola highly commended for his performance in Eat Bulaga's Kalyeserye

Michael V to Eat Bulaga! co-host and fellow comedian Wally Bayola: "This guy deserves an award or commendation for his invaluable contribution to #Kalyeserye"


Umani ng papuri si Wally Bayola dahil sa kanyang galing sa pag-arte bilang Lola Nidora sa inaabangan at pinag-uusapang Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Mismong mga kasamahan sa trabaho ni Wally ay napabilib sa galing at consistency nito sa pag-arte.

Una na rito si Senator Tito Sotto, na habang umeere pa lang ang kumprontasyon ni Lola Nidora kina Alden at Yaya Dub ay naringgan na nagsasabing, “Ang galing talaga niyan ni Wally!”

Nagbigay-pugay rin kay Wally ang iba pang Eat Bulaga! co-hosts, kabilang na sina Michael V, Allan K, Ruby Rodriguez, at Joey de Leon, via Twitter:

This guy deserves an award or commendation for his invaluable contribution to #Kalyeserye. #ALDUBBATTLEForACause pic.twitter.com/AjAXyjVcw3

— Michael V. GMA (@michaelbitoygma) September 5, 2015

Nakalimutan ko ikuwento: nayakap ko si Waaly kanina at sinabihan kong "im sooo proud of you"

— allan k (@allanklownz) September 5, 2015

Me:: Wally ur my Fave character ang galing mo grabe ka hindi ka nawawala sa character mo!! Wally: *humble smile* Salamat( nidora voice) 😂😂😂

— ruby rodriguez (@rodriguezruby) September 5, 2015

Ngayong AlDub nagkita na, nakita rin ang galing lahat ng tauhan sa Kalyeserye. Kulang ang pagbati sa kanila. IBA 'TO!#ALDUBBATTLEForACause

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 5, 2015

Maging ang netizens ay saludo rin kay Wally, lalo na sa pagganap nito bilang bida-kontrabida, na kaya ring magpatawa at magpaluha ng mga manonood.

Wally Bayola, revolutionized the "bida-kontrabida" concept! Give him a trophy or else... #ALDUBBATTLEForACause pic.twitter.com/mRZg7MGkIb"

— OFC AD|MD OLONGAPO (@ofcaldub_olngpo) September 5, 2015

To Wally Bayola, you are awesome! you deserve more than a standing ovation! @EatBulaga @allanklownz @MalouChoaFagar #ALDUBBATTLEForACause

— Katya Canovas (@katya1021) September 5, 2015

BIG LOVE AND RESPECT TO WALLY BAYOLA! IF IT WEREN'T FOR YOU KALYESERYE WILL NEVER BE WHAT IT IS NOW! #ALDUBBATTLEForACause

— CAPSLOCK QUEEN™ (@1dbabe13x) September 5, 2015

GIVE CREDIT WHERE CREDIT IS DUE. HATS OFF TO YOU MR WALLY BAYOLA IBA KA! #ALDUBBATTLEForACause pic.twitter.com/KExKRznfi7

— Alden❤️Maine (@AldenLuvsMaine) September 5, 2015


WALLY'S MONOLOGUE AND MESSAGE TO ALDUB. Bukod sa unang pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub), usap-usapan din sa social media ang emotional speech ni Lola Nidora, sanhi ng pagsuway sa kanya ng AlDub.

Ito ang naghihinakit na pahayag ni Lola Nidora sa live episode ng Kalyeserye ngayong Sabado, September 5:

“Ang binitawang salita ay hindi dapat ipagsalawang-bahala. Dahil ang katumbas nito ay pagtitiwala ko sa inyo, Alden, Yaya Dub.

“Paano pa ako magtitiwala sa inyo kung sa isang simpleng pangako ay hindi niyo kayang matupad?”

Matatandaang pinayagan ni Lola Nidora si Yaya Dub na sumali sa "Bulaga Pa More" Wildcard Edition ng Eat Bulaga!, sa kundisyong hindi makikipagkita ang dalaga kay Alden.

Ngunit hindi napigilan nina Alden at Yaya Dub ang kanilang damdamin, at sinuway ang kagustuhan ni Lola Nidora.

Sabi pa ni Lola Nidora, “AlDub, mahalaga ang pagtitiwala. Hindi iyan nababayaran ng salapi.

"Sinusubukan ko lang kayo. I am very disappointed... very disappointed."

Tila ang panenermon ni Lola Nidora ang siya ring nag-udyok upang parehong mapaluha sina Alden at Yaya Dub.

Lalo na sa punto kung saan sinabi ni Lola Nidora: “Ang tunay na pag-ibig, kahit hindi nagkikita, pinapahalagahan at iniisip ang isa't isa, iniisip ang kabutihan, at hinihintay ang tamang panahon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng seryoso niyang monologue, lumabas pa rin ang pagkakomedyante ni Wally, lalo na nang harangan niya muli si Alden nang subukan ng binata na gumamit ng ibang daan sa loob ng Eat Bulaga! studio papunta kay Yaya Dub.

Ani Lola Nidora, "Alden, naisip ko na iyan. Nasa akin ang blueprint ng building na ito.


"I know every entrance and every exit of this building! You cannot fool me!"


Sa huli, nagtapos ang episode ng Kalyeserye nang may mga hindi nakilalang karakter ang dumukot kay Yaya Dub at nagdala rito palabas ng studio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN