Lotlot de Leon describes working with mom Nora Aunor in Kabisera: "Mas magaan sa akin...mas relaxed."

Lotlot de Leon talks about the advantages of working with mom Nora Aunor: “Mas magaan sa akin kapag si Mommy ang katrabaho ko. Parang natural na lahat. At saka mas relaxed. Siyempre kasi kilala ko na siya. Alam ko na ang mood niya. Alam ko kapag tahimik siya. Alam ko kung makulit siya, kung masaya.”


Matagal nang hindi nagkasama sa trabaho si Lotlot de Leon at ang kanyang ina na si Nora Aunor.

Ang pinakahuling pelikulang pinagsamahan nila ay Ang Totoong Buhay ni Pacita M noong 1991.

Sa taong ito, muli silang magsasama sa pelikulang Kabisera na idinidirehe ng baguhan pero award-winning director na si Real Florido.

“Siyempre, masaya na nakatrabaho ko ulit siya,” bungad ni Lotlot nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting nila sa Bulacan noong Martes, September 1.

“Masarap sa pakiramdam. Siyempre kasama ko ang nanay ko.”



WORKING WITH THE SUPERSTAR. Kahit ina niya si Nora, may pressure pa rin daw na nararamdaman si Lotlot.

“Konti, kasi kailangan magaling ka!” sabay tawa ng aktres.

Award-winning actress din naman si Lotlot. Itinanghal siyang Best Supporting Actress noong nakaraang 2014 MMFF para sa kanyang pag-arte sa Kubot: The Aswang Chronicles.

“Salamat," aniya nang ipaalala namin sa kanya.

“E, siyempre kapag si Mommy ang kaeksena mo, parang kailangan magaling ka talaga.

“Pero kumpara sa ibang co-actors na nakakatrabaho ko, mas magaan sa akin kapag si Mommy ang katrabaho ko. Parang natural na lahat.

“At saka mas relaxed. Siyempre kasi kilala ko na siya.

“Alam ko na ang mood niya. Alam ko kapag tahimik siya.

“Alam ko kung makulit siya, kung masaya,” lahad niya.



MOVIE. Tungkol saan ang kuwento ng pelikulang Kabisera?

“It’s about a family from a province, na yung wife [character ni Nora], naghahanap ng hustisya dahil pinatay ang asawa niya.

“Yung role ko, ako po yung parang tutulong na magbigay ng hustisya doon sa krimen na nangyari sa pamilya niya.

“Wala kaming masyadong mabigat na eksena. It’s more of yung talagang nag-uusap.

“Si Mommy ko ang grabe! Kasi yung mata pa lang niya, nakakatulala!” tawa na naman ni Lotlot.



MMFF ENTRY. Bukod sa pelikulang ito na kasama si Nora, ano pa ang ibang proyektong pinagkakaabalahan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May sisimulan po akong dalawang indie films pa. So I’m very excited about that.

“'Tapos may ginagawa din po ako for MMFF na Dama ang working title.

“Kasama ko rito sina Vhong Navarro, Rayver Cruz, si Janine Gutierrez, si Alex Gonzaga, at si John Lapus.

“Magku-comedy ulit ako dito. Para break do’n sa lagi kong ginagawa na iyakan,” ani Lotlot.

Comedy rin ang tipo ng role niya sa Kubot kung saan nagwagi siyang Best Supporting Actress.

Maulit kaya ang kanyang panalo?

Natatawa niyang tugon, “Ay, naku! Wala po akong iniisip na gano’n!

“Bahala na po si Lord. Basta ako ginagawa ko lang ang trabaho ko.”

Ano ang role niya sa MMFF entry na ginagawa niya? May pagkakahawig ba sa komikerang karakter niya sa Kubot?

Pagklaro niya, “Magkaiba naman siya kasi totally magkaiba naman ang istorya, e. Pero same na comedy ang atake.”

May bago ba siyang teleserye?

“Kakatapos lang po ng My Mother’s Secret. So we’ll see.

“Hindi ko pa po alam kung ano ang kasunod. Pero sa ngayon, at least, may mga pelikula naman po ako,” ani Lotlot.

JANINE AND ELMO. Kumusta naman ang anak niyang si Janine?

“May indie film siyang ginagawa. 'Tapos kasama nga siya do’n sa MMFF entry na ginagawa namin, and then may sisimulan siyang bagong show sa GMA,” lahad niya.

Smooth-sailing ang relasyon ng anak niyang si Janine at Elmo Magalona. At happy naman daw si Lotlot para sa mga ito.

Kuwento ng butihing ina, “Mabait naman na bata si Mo [palayaw ni Elmo]. Minsan dumadalaw si Elmo sa bahay.

“Magdi-dinner sila. Ipagba-barbecue ko sila.

“Magluluto ako. Bonding sila ng iba pang mga kapatid ni Janine.”



NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Okey rin naman daw ang takbo ng relationship nila ng non-showbiz boyfriend niya ngayon.

Dagdag niya, “Let’s just say na happy lang ako. Happy ako sa kung ano ang ibinigay ng Diyos sa akin at labis kong ipinagpapasalamat ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano na ba katagal ang relasyon nila?

“Magti-three years.”

Wala pa silang planong magpakasal?

“Wala pa naman. At saka kailangan muna niyang hingin ang kamay ko sa mga magulang ko. Naks!

“Hindi. Joke lang!” napahalakhak na sabi pa ni Lotlot.

“Siyempre hindi lang sa mga magulang niya dapat hingin ang kanyang kamay kundi pati sa mga anak niya, di ba?

“Ang dami nila, ‘no?” na paghihingan ng kanyang kamay ang ibig niyang sabihin.

“Pero wala pa naman pong ano… wala pa naman pong iniisip na gano’n.”

Aprub at boto naman ang mga anak daw niya sa kanyang boyfriend?

“Oo. They all get along naman.”

Nagli-live in ba sila ng boyfriend niya?

“E, we’re friends! Naks!” sabay halakhak ulit ni Lotlot.

Ang happy lovelife ba niya ang dahilan kung bakit blooming siya lagi ngayon?

“E, kailangang mag-bloom tayo. Para sa ekonomiya, sabi nga nila,” pagtukoy niya sa bukambibig ng production staff ng pelikulang Kabisera na ginagawa niya ngayon with Nora.

May effort ba sa part ng boyfriend niya na para makuha ang loob ng mga anak niya?

“Hindi na kailangan. Kasi they get along nga.

“They’ve known each other naman for quite a while already. So hindi na rin… natapos na yung mga awkward moments.

“At saka yung mga anak ko, they want to see me rin naman na happy.

"Whoever I end up with na talagang will take care and love me, di ba?” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN