Karla Estrada reveals why she can't imagine herself acting with son Daniel Padilla: “Mang-aasar yun.”

Karla Estrada explains why she can't imagine herself acting with son Daniel Padilla in a teleserye: “Si DJ, iba. Ilang yun na mag-iiyakan kaming mag-ina. Kasi magtatawanan kami, e. Di ba? Kami ni DJ, tropa, e. Magtatawanan kami, baka mabato lang kami ng direktor, 'no?”


Normal para sa mga artista ang naba-bash.

Sa kaso ni Karla Estrada, paano niya hina-handle ang bashers?

Natatawa niyang sagot, “Ako, hindi ko binabasa.

“Hindi kasi ako 'patola,' e. At wala akong masyadong nababasa dahil hindi ako nagbabasa.

“And wala kasing maiba-bash sa akin, e... Na hindi ko na alam.”

Kapag ang anak niyang si Daniel Padilla ang bina-bash, pumapatol ba siya?

“Pag si DJ kasi, hindi na, e. Ano ba naman yung apat na milyon niyang tagapagtanggol?

“Alangan namang makisali pa ako dun, mukha lang akong shunga nun, di ba?”

“Pero siyempre may mga patama ako sa Twitter na, ‘O, huwag mainggit, nakamamatay!’

“May mga ganyan ako, ganun lang.

“One-liner, one-liner lang,” natatawa pa rin niyang hirit.



MESSAGE FOR DANIEL'S BASHERS. May mensahe ba si Karla sa mga taong nag-aakusa na lumaki na ang ulo ni Daniel?

Sabi niya, “Ang hirap kasing… Ako kasi yung ina, e. Siyempre wala akong gagawin kundi ipagtanggol ang anak ko.

“Pero pasasaan naman at mapapatunayan nating lahat 'yan.

“Walang dahilan para lumaki ang ulo ni DJ.

“Actually, mas nainis nga ako ngayon kasi parang mas nagdyidyinologs, e!

“I mean, ngayon kasi nagba-basketball sa barangay dito, basketball dun, di ba?

“Hindi naman ako nag-iinarte, pero yung safety kasi ang lagi sa akin.

“Tapos siya, ‘Ma, paano, hindi na lang ako lalabas? Wala na akong gagawin?'

“Sabi ko, ‘Anak, hindi. Paghahandaan natin. Bawat labas mo puwede tayong magpatawag ng ano.

“'Kasi, hindi naman ito kagustuhan mo, hindi lahat ng ngumingiti sa iyo type ka. Yung iba type kang saksakin o sapakin, noh? Hello?!’”



SWELL-HEADED? May mensahe ba si Karla sa mga nagsasabing dahil sa tagumpay at yaman na tinatamasa niya o dahil sa kasikatan ng anak niyang si Daniel ay lumaki na rin ang ulo niya?

Biro niya, “Malamang yung balakang ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang laki ng puwet ko ngayon, pramis. Pero yung ulo ko, hindi.

“Wala naman! Siguro meron lang akong mga… Wala pa namang nagsasabi, kasi wala namang nagbago sa mga kaibigan ko, e.

“Kung ano man yung nagbago yung hindi ko na lang sila madalas makita. Nadagdagan yung mga kaibigan ko.”

Wala rin daw dahilan para lumaki ang ulo ni Karla. Kapag wala raw siyang trabaho ay nasa bahay lamang siya at naghihintay ng mga kaibigan na nais siyang pasyalan.

“Kasi yung oras naman na nasa bahay ako, iyon na lang naman yung time na kasama ko ang mga bata, e.

“Kung yung oras na meron ako tapos ilalabas ko pa at iaalis ko pa, hindi ko na makikita yung mga bata.”



VISITING HER DAD IN THE STATES. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla sa taping niya para sa Home Sweetie Home ng ABS-CBN noong Biyernes, August 28, sa studio ng Kapamilya network.

Kamakailan ay dinalaw ni Karla ang kanya ama sa Amerika.

Aniya, “San Francisco muna kami 'tapos nag-Philadelphia kami. Nandun si Dad.”

Bago ito, two years ago ay nagkita na rin si Karla at ang kayang ama.

“Before two years ago, that was fifteen years ago bago uli kami magkita.

“Sobrang saya, kasi nga inaayos natin yung mga tsururut nating ano.

“'Tapos talagang tuwang-tuwa ako dahil Filipino food na bonggang-bongga, ganun.

“Masaya, walang mapaglagyan ang kasiyahan.”

“Happy sila dun. Pagdating ko nga, one million na Pilipino ang nandun sa bahay nila,” sabay-halakhak muli ni Karla.

May plano raw magbakasyon dito sa Pilipinas ang Fil-American dad ni Karla na retirado na.

“Ang pure Amerikano ang lolo ko,” dugtong niya.



NEW PRODUCTION OUTFIT. Hinihintay ng marami ang pagsasama sa isang soap opera nina Karla at Daniel. Kailan kaya ito magaganap?

“Oo nga, e. Hindi ko pa alam, pero meron na tayong DJP Productions, ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maayos na, may DTI [Department of Trade and Industry] na iyon and everything,” saad niya.

Next year daw ay maaaring mag-produce na sila ng pelikula at concerts and shows.



ACTING WITH DANIEL? Tungkol pa rin sa pagsasama nila ni Daniel sa isang serye, inamin ni Karla na mukhang malabo silang magsama sa isang teleserye.

“Ayaw pa ni DJ, e!

“Si DJ, iba. Ilang yun na mag-iiyakan kaming mag-ina.

“Kasi magtatawanan kami, e. Di ba? Kami ni DJ, tropa, e.

“Magtatawanan kami, baka mabato lang kami ng direktor, 'no?

“Hindi ko ma-imagine iiyak ako sa harapan ni DJ na acting. E, lalo na yun, tatakbo yun palayo, ‘Ma!’

“Mang-aasar yun,” paninigurado niya.



LIFE LESSONS. Ano ang isang importanteng lesson at realization na natutunan ni Karla sa buhay?

Ayon kay Karla, “Lesson? Mas naging generous ako. Kasi nung wala, ganun na ako.

“Kasi I think yung generosity kasi ang naging secret nung tagumpay ng lahat, e.

“Kasi parang, di ba? Ang realization ko na nagiging pass through ka ng blessing because alam ng Diyos na maano ka.

“But of course, natuto na rin akong magtabi-tabi because yung generosity na yun, dinoble naman nung Daniel Padilla!

“So, pag hindi ako gumaganun sa kanya, jubos [ubos] dahil dire-diretso rin yung bagets, di ba?

“E, malinaw naman sa kanya lahat na, ‘Eto yung pera mo, anak,’ ganyan-ganyan.

“Pero happy na ako. Basta may mandatory siya diyan. Masaya na yung pakiramdam ko na hindi na siya maghihirap hanggang kaapu-apuhan niya basta’t hawakan lang niyang mabuti.”

Best advise na ibinigay niya kay Daniel?

“Makisama, lalo na dun sa mga maliliit.”



NO TO POLITICS. May nag-alok na kay Karla na tumakbo sa pulitika pero tumanggi siya.

“Okey na ako ngayon, e.

“Before gusto ko. Ngayon ayoko na.

“Ayoko yung trayduran moments nila dun sa loob, e. Mas madumi sila kaysa dito sa industriyang meron ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And okey na, I think kung nasa likod lang ako ng isang taong matagumpay sa pulitika, mas makakatulong ako nang maayos.”

Sa mga pinagdaanan niya sa buhay, sino si Karla Estrada ngayon?

Pagmamalaki niya, “Ina.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN