Celebrities join netizens in tweeting about AlDub's first meeting

Maging ang ilang kilalang personalidad sa showbiz at news ay hindi nakaligtas sa AlDub fever, at nakisali sa usapan sa Twitter tungkol sa unang pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza.


Hindi lamang mga ordinaryong netizens ang tumutok sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! kahapon, September 5, kundi maging ang ilang celebrities.

Kahapon naganap ang unang pagkikita sa personal ng AlDub—sina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza finally meet face to face

Bukod sa pagtutok sa telebisyon upang saksihan kung dumating na nga ba ang "tamang panahon" para magkita sina Alden at Yaya Dub, wala ring tigil ang pag-post ng netizens sa Twitter ng kanilang mga mensahe at reaksiyon.

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang celebrities na nakisali rin sa usapan sa Twitter.

Ang Kapuso TV host na si Iya Villania-Arellano ay nag-post ng screenshot ng sandaling pagkikita nina Alden at Yaya Dub:

Oh em!!!! Nagkita naaaaaa!!!!! #AlDub pic.twitter.com/M55LGLHFTz

— IyaVillaniaArellano (@iyavillania) September 5, 2015

Ang Kapuso singer namang si Jonalyn Viray, hindi agad nakaalis ng bahay dahil naabutan ang KalyeSerye:

aalis na dapat kami ng bahay kaso nakaglue kami sa #ALDUBBATTLEForACause late na ako sa lakad :D

— jonalyn viray (@jonalyn_viray) September 5, 2015

hindi ko maituloy pagbblower ko ng buhok, hindi ko maririnig tv :) #ALDUBBATTLEForACause

— jonalyn viray (@jonalyn_viray) September 5, 2015

kudos to @EatBulaga creative team and sa lahat ng part ng Kalyeserye. galing! #ALDUBBATTLEForACause

— jonalyn viray (@jonalyn_viray) September 5, 2015

Ang actress-politician na si Lani Mercado-Revilla ay sinabing talo ng Kalyeserye ang mga primetime soap:

Grabe talo pa ANG prime time soap! Abangan sa Lunes#kalyeserye#aldub https://t.co/tGYOhlnTMy

— Lani Mercado Revilla (@lanimrevilla) September 5, 2015

Pambansang Kontrabida #lolanidora#aldub#kalyeserye https://t.co/X9JTukggD9

— Lani Mercado Revilla (@lanimrevilla) September 5, 2015

Maging ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria—na napapanood sa teleseryeng Pangako Sa 'Yo kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla—ay kinilig din tulad ng Aldub Nation:

Waaaaah!!! Nagkita na silaaaaaa!!!!

— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) September 5, 2015

Si Lola...KJ!!! Hahaha ang saya nito! Kinilig ako.

— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) September 5, 2015

Ang GMA News anchor na si Rhea Santos ay nasa Eat Bulaga! studio kahapon bilang judge sa "Bulaga Pa More, Tahitian Pa More" grand finals, kasama si Marian Rivera.

Maging siya raw ay hindi alam kung ano ang magiging kaganapan sa inaabangang KalyeSerye:

👍 Clueless... At the backstage of #eatbulaga but still no idea on what will happen to #aldub. Ngayon na ba? #ALDUBBATTLEForACause

— Rhea Santos (@MsRheaSantos) September 5, 2015

Pagkatapos mapanood ang Kalyeserye ay muling nag-tweet si Rhea:

Ay, naiyak ako 😢 #aldubbattleforacause But, great message, Lola Nidora👍 Puso at Isip ang pairalin! https://t.co/cQ7Mu4o2xY

— Rhea Santos (@MsRheaSantos) September 5, 2015

Ang kasamahan ni Rhea sa GMA News na na si Tina Panganiban-Perez ay hindi rin itinatago ang kanyang pagkahumaling sa AlDub:

Akala kong kanina, may glass wall sa pagitan ng AlDub & di nila alam. Pagtakbo nila sa isat isa, bigla silang didikit. #ALDUBBATTLEForACause

— Tina PanganibanPerez (@tinapperez) September 5, 2015

Ang ganda talaga nung top shot. #ALDUBBATTLEForACause pic.twitter.com/fLQuFVy9Uj

— Tina PanganibanPerez (@tinapperez) September 5, 2015

At kahit ang EB Dabarkads, apektado sa pagtatagpo nina Alden at Yaya Dub:

The whole concept of #KalyeSerye is so absurdly satisfying! Truly a new genre on Philippine TV! #ALDUBBATTLEForACause

— Michael V. GMA (@michaelbitoygma) September 5, 2015

#KalyeSerye alone is enough reason para maging proud akong maging part ng #EatBulaga. Great job Dabarkads! #ALDUBBATTLEForACause

— Michael V. GMA (@michaelbitoygma) September 5, 2015

Kung affected kayo habang nanonood sa TV, 'di ko ma-explain ang reaction dito sa studio! #ALDUBBATTLEForACause pic.twitter.com/h2fNumPZPd

— Michael V. GMA (@michaelbitoygma) September 5, 2015

Homaygas!!!! Homaygas!!!! 😱😱😱😱 nagkita na! Kaso may gremlin sa taas😂😂

— ruby rodriguez (@rodriguezruby) September 5, 2015

Parents ni yaya umiyak din #ALDUBBATTLEForACause

— allan k (@allanklownz) September 5, 2015

Oh my gosh!!! I loooooove it!!! #ALDUBBATTLEForACause Lola!!!!

— pia guanio-mago (@piaguanio) September 5, 2015

Ang Daddy at Mommy ni Yaya Dub naiyak sa #KalyeSerye kanina!

Posted by Eat Bulaga on Saturday, September 5, 2015

Bukod kina Alden at Yaya Dub, isang pagpupugay rin ang ibinigay ni Michael V. sa kapwa Dabarkads niya na si Wally Bayola, na siyang gumaganap na Lola Nidora:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This guy deserves an award or commendation for his invaluable contribution to #Kalyeserye. #ALDUBBATTLEForACause pic.twitter.com/AjAXyjVcw3

— Michael V. GMA (@michaelbitoygma) September 5, 2015

At dahil sa napakaraming netizens ang nag-tweet kahapon, umabot sa mahigit 5.8M ang kabuuang bilang ng tweets para sa #ALDUBBATTLEForACause.

Ito na ngayon ang may hawak ng record bilang pinakamaraming tweets sa loob ng 24 oras sa Pilipinas.

Read: #ALDUBBATTLEForACause sets new record on Twitter; reaches 5.8M mark


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN