Annabelle Rama thinks daughter Ruffa Gutierrez’s boyfriend Jordan Mouyal doesn’t love her

Annabelle Rama on the kind of guy she wants for daughter Ruffa Gutierrez: “Ang gusto kong lalaki ay yung nakikita kong totoong nagmamahal sa kanya at sa mga anak niya. At saka… hindi naman din puwede na siya lang ang mamahalin, e.”


Tila lumalambot na muli ang puso ni Annabelle Rama para sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

Pahayag ni Annabelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Parang okey naman kami ngayon.

"Kasi… kawawa naman, anak ko rin ‘yan, e.

“Pero kaso nga, matigas ang ulo. Ikaw rin, alam mo ‘yan since That’s Entertainment days pa.

"Ayoko yung lalaki para sa kanya, pero siya naman, matigas ang ulo.

“Pag ayaw ko, siya naman ang may gusto, remember?”

Hayagan pa ring sinasabi ni Annabelle na hindi talaga niya tanggap ang relasyon ni Ruffa sa French-Arab boyfriend nitong si Jordan Mouyal.

Saad ng talent manager-reality show star, “Kaya lagi kaming nag-aaway ni Ruffa, e.

"Ang ginagawa niya, para hindi kami mag-away, iniiwas niya sa akin lagi si Jordan.

“Hindi ko talaga gustong idini-display niya ito sa harapan ko. Naiinis nga ako, di ba?”

Ano ba ang ikinaaayaw niya kay Jordan?

Paliwanag ni Annabelle, “Kasi una, siyempre only girl ko si Ruffa.

"Gusto ko para sa kanya, yung totoong magmamahal sa kanya.

“Kasi natakot na ako dun sa nangyari sa kanya sa ex-husband [Yilmaz Bektas] niya. Na noon, matigas ang ulo niya at nagpakasal siya talaga doon.

“Naghiwalay sila dahil sinasaktan naman siya. Ayokong mangyari ulit yung ganun.

“Ang gusto kong lalaki ay yung nakikita kong totoong nagmamahal sa kanya at sa mga anak niya.

"At saka… hindi naman din puwede na siya lang ang mamahalin, e."

TRUE LOVE? Hindi ba niya nakikita na totoong mahal ni Jordan si Ruffa at ang mga anak niyang sina Lorin at Venice?

“Ay, hindi ako naniwala! Ginagamit lang niya si Ruffa siyempre,” diin ni Annabelle.

Paanong panggagamit ang ibig niyang sabihin?

“Gamit na… para makatira siya na libre dito [sa Pilipinas].

"Kain libre, tira libre, lahat libre.

“Ang ibig kong sabihin, siyempre papakainin ni Ruffa ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano bang trabaho niya? Wala namang trabaho ‘yan.”

Di ba't businessman daw si Jordan?

“He’s only 28 years old.

"Kung may trabaho man siya, para lang siguro sa sarili niya ang perang kikitain niya. Hindi para kay Ruffa o sa dalawang anak ni Ruffa.

“E, bakit kailangan pa ng ganyang klaseng lalaki?

"Puwede naman siyang kumuha ng matinong lalaki na may sariling trabaho, may career na sarili niya... mga ganyan ba?

“Pagdating sa mga manliligaw ni Ruffa, lahat direkta sa kanya naman. Tinatanong lang niya ako kung okey.

“Pag sinabi kong hindi okey, lalo naman niyang gusto.

"Kaya nga lagi kaming nag-aaway ni Ruffa dahil kung ano ang ayaw ko ay iyon naman ang gusto niya."

Pero kahit ganito raw ang relasyon nila ni Ruffa, at the end of the day ay ang pagiging mapagmahal na ina pa rin daw niya ang nangingibabaw kay Annabelle.

“Siyempre naman. Ganun naman talaga," wika niya.



MOTHERHOOD. It also takes guts to be a mom like Annabelle, sabi nga.

“It takes guts na maging kagaya ko, kasi malakas ang loob ko.

"Hindi ako nahihiya, makapal ang mukha!” natatawang biro niya.

Patuloy ni Annabelle, “Alam ko na merong mga nami-misinterpret ako.

"E, hindi mo naman talaga mapi-please ang lahat ng tao.

"Pero may iba naman na natutuwa sa klase ng personality na meron ako.

“Pagdating sa pagiging ina ko, talagang laging handa kong ipaglaban at protektahan ang aking mga anak at ang buong pamilya ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN