Meg Imperial still complete after short-lived romance with JM de Guzman

Meg Imperial rueful about missing a chance to work with Robin Padilla in the Metro Manila Film Festival 2015 entry Nilalang. She says, “Supposedly with Robin, but now with Cesar Montano na... When I was young, dapat may movie kami together and now di na naman siya tuloy. Hindi pa meant na magkatrabaho kami ni Robin.”


Aminado si Meg Imperial na isang malaking leksiyon para sa kanya ang kinauwian ng muntik-muntikan na nilang relasyon ni JM de Guzman.

Pormalidad na lang ang kulang sa kanila nang biglang huminto ang komunikasyon nila, hanggang sa mabalitang nagkabalikan na ang aktor at ang ex-girlfirend nitong si Jessy Mendiola.

Hindi rin itinago ni Meg na nadala siya sa nangyari at ngayon ay mas magiging maingat na siya pagdating sa larangan ng pag-ibig.

Pahayag ng Kapamilya actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro, medyo… ang hirap kasing basahin ng utak ng mga artista, siyempre ako din naman.

"Mahihirapan din sila kung normal kang tao kasi alam mong artista sila.

“You don’t know whether they are acting or they are telling the truth, siguro yun ang point.

“Artista din ako, pero personal kasi sa akin yung lovelife.”

Nilinaw ni Meg na wala siyang sama ng loob kay JM.

Aniya, “Nagbabatian kami pag nagkikita kami, and we’re okay even with Jessy.

“Yes, siyempre that time, mapi-feel mo din naman na okay na yun, tapos na.

“Saka ako, hindi ako nagtatanim ng sama ng loob, kasi di rin naman makakatulong sa akin.

“Magiging bitter lang ako sa harap ng maraming tao.”

STILL COMPLETE. Sa isang interview kay Meg sa Aquino and Abunda Tonight, sinabi niyang buo siya bilang isang tao.

Kaya nang biglang huminto sa pagpaparamdam sa kanya si JM ay hindi raw siya nasaktan at nagmukmok.

“Nung nawala siya, buo pa rin naman ako. Walang nagbago, walang nagkulang sa akin.

“Kahit nung una, not at all, wala na rin naman kaming communication, before and after.”

Bukas din si Meg na makasama sa isang proyekto sina JM at Jessy kahit maging love triangle pa ang tema ng istorya.

“Given the opportunity, why not?

“Trabaho siya, be professional about it, and okay kami, walang problema dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay walang boyfriend si Meg at ini-enjoy raw niya ang pagiging single.

“Open ako to entertain naman suitors and stuff, pero right now, priority ko is my career.

“Yeah, I go out, I hang out with friends, pero not really as date.

“Usually, pag nakikita naman ako ng tao, I hang out with guy friends, but it’s really pure friendship.”



PROJECTS. Kasama si Meg sa cast ng pelikulang Ex With Benefits.

Masaya raw siya sa magandang feedback ng pelikula, kahit pa nga naging kontrobersiyal ito noong una dahil sa naging reklamo ng medical representatives.

“Same sa mga sinabi nila Derek [Ramsay] and Coleen [Garcia], it’s just profession ng character namin.

“Hindi namin sinasabi na ito ang karakter nila as med rep, nagkataon lang na yun ang trabaho nila.

“Siguro because of the first trailer, but nawala na yun after they watched the second trailer.

“Sa mga hindi pa nakakapanood, looking forward na mapanood nila.

“I had sexy scenes, but not as many as Coleen, hindi masyado.”

Kasama rin si Meg sa pelikulang Nilalang na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival 2015.

Kuwento niya, “Supposedly with Robin [Padilla], but now with Cesar Montano na.

“Sayang, kasi I missed twice the opportunity to work with him [Robin].

“Before, when I was young, dapat may movie kami together, and now di na naman siya tuloy.

“Hindi pa meant na magkatrabaho kami ni Robin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN