Kyla happy with ABS-CBN despite not having exclusive contract

Kyla explains why Regine Velasquez can't be part of her 15th anniversary concert: "Siya yung unang-una kong tinatawagan. This time, hindi ko siya makakasama because she also has a concert that same day."


Kumpiyansa si Kyla sa takbo ng kanyang singing career sa ABS-CBN sa kabila ng kawalan niya ng eksklusibong kontrata sa ngayon.

Pahayag ni Kyla, “I’m really happy kung nasaan ako ngayon.

“I’m happy dahil nararamdaman ko at ipinaparamdam naman sa akin ng ABS-CBN that they like me.”

Pebrero 2015 nang umalis si Kyla sa ngayo'y defunct musical-variety show na Sunday All Stars sa GMA Network.

Pagkatapos nito ay naging madalas na guest performer ang singer sa Kapamilya musical-variety show na ASAP.

Bukod dito, masaya si Kyla na nabibigyan siya ng pagkakataong makasama sa Kapamilya shows sa labas ng bansa.

“And I’m just really happy, kahit a few months pa lang ako, kahit wala pa akong kontrata, they already sent me to London, sa TFC, and other lineups ng out-of-the-country tours with ABS-CBN.

“Binigyan nila ako ng chance to do [the theme song of] On The Wings of Love na very successful.

“And like, right now, I’m so happy kasi gabi-gabi naririnig yung boses ko sa On The Wings of Love.

“I’m happy kung nasaan ako ngayon at siguro po yung kontrata susunod na yun,” nakangiting saad ni Kyla.

Ang On The Wings of Love ang primetime series na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Sa kasalukuyan, kabilang si Kyla sa roster of talents ng Cornerstone Events and Talent Management.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang press si Kyla sa kanyang solo presscon na ginanap sa Packo’s Restaurant, Quezon City, ngayong Lunes, September 5.

Ito ay para sa kanyang 15thanniversary concert, Flying High, na gaganapin sa Kia Theater sa November 15.

NO GMA GUEST PERFORMERS? Ilan sa mga nabanggit ni Kyla na special guests sa kanyang concert ay sina Jay-R, Erik Santos, Angeline Quinto, at KZ Tandingan.

Kapansin-pansing walang nabanggit si Kyla na Kapuso stars na magiging bahagi ng kanyang 15thanniversary concert, gayong nagsimula ang kanyang singing career sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng tinaguriang Queen of R&B nang tanungin hinggil dito, “Sobrang busy po sila lahat doon.

“Originally, we wanted Ate Regine [Velasquez] to be part of our concert.

"Kasi sa lahat ng concert ko, kasama ko siya, guest ko po siya.

"Siya yung unang-una kong tinatawagan.

“This time, hindi ko siya makakasama because she also has a concert that same day.”

Bagamat nanghihinayang si Kyla na hindi makakadalo si Regine bilang guest performer, plano pa rin niyang imbitahin ang Asia’s Songbird at ibang dating kasamahan na singers sa GMA.

Ani Kyla, “For sure, manonood silang lahat.

"Kasi pag hindi sila nanood, magtatampo po talaga ako.

"So, I will invite them siyempre."

Sa kabilang banda, excited din si Kyla sa magiging resulta ng collaboration niya kasama ang Kapamilya singers.

Aniya, “Tsaka siyempre I'm with ABS-CBN na.

"We also have a lot of great artists, like KZ and Erik.

“Siyempre I want to experience naman yung mga ibang artists na kasama ko ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN