Piolo Pascual, KC Concepcion kiss and make up in London

After almost four years, ex-lovers KC Concepcion and Piolo Pascual were seen "more than civil" in London, England, where they took part in ASAP's caravan show there.


Napatunayang “time heals all wounds” para sa dating magkasintahang sina Piolo Pascual at KC Concepcion.

Hindi naman kaila sa marami na naging masalimuot ang pagtatapos ng kanilang relasyon noong 2011, at ilang taon silang hindi nag-usap.

Ngunit nitong nakalipas na weekend ay nagkasama sina Piolo at London sa show ng ASAP stars sa London.

At doon ay nagkaroon ng pagkakataon mag-bonding ang dalawa, at patunay nito ang mga larawan nilang magkasama na na-upload sa Instagram.

Sa post ng kasamahan nilang si Erik Santos, makikitang kasama ng singer sina Piolo at KC.

May hashtag pa itong #lahatngsugatnaghihilom.

Sa kabilang banda, kapansin-pansin namang wala na ang pait ng nakaraan sa pagitan nina Piolo at KC sa larawang ibinahagi ng AdProm head for publicity and media relations na si Eric John Salut.

Read: KC Concepcion "pretty civil" with ex-boyfriend Piolo Pascual

Bukod kay Piolo, may ilang fans din ang nakapansin sa pagtatabi sa isang bus ni KC at ng isa pa niyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino, kasama ang ilang pang ASAP stars.

After a successful show at sse arena in wembley london... on r way to the victory party #asap20inlondon

A photo posted by bernardcloma (@bernardcloma) onSep 6, 2015 at 10:59am PDT

Naging balita rin sa showbiz ang breakup ng dalawa.

Read: KC Concepcion breaks silence on breakup with Paulo Avelino


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN