Daniel Matsunaga admits talking about marriage with girlfriend Erich Gonzales

Daniel Matsunaga on why he didn't let members of the audience touch his body at the Cosmo Bachelor Bash: "Siyempre, I’m very respectful. May girlfriend na ako ngayon, di ba? Kailangan respect lang."


Sang-ayon si Daniel Matsunaga sa mga nagsasabing masuwerte siya dahil sa pagkakaroon ng isang gaya ni Erich Gonzales na nagbibigay-inspirasyon sa kanya ngayon.

“Alam mo, pag in love ka, dapat masaya ka. At masaya ako,” sabi ng Brazilian-Japanese model-actor.

Diretsahang sinabi ni Daniel na seryoso siya sa relasyon nila ni Erich.

“Siyempre naman, I’m serious.

"Otherwise, I wouldn’t be in a relationship if I’m not serious.

"We’re both Christians and we believe that in God’s time, there’s a right time for everything."

Pinag-uusapan na ba nila ang kasal?

Tumawa na parang kinilig si Daniel sa tanong at saka tumango.

Makikita sa Instagram posts ni Daniel kung gaano sila kasaya palagi ni Erich.

Paano siya sinusuportahan ni Erich?

Sagot niya, “Super! A hundred thousand percent.

"She’s really always there for me. Not just here, but sa lovelife and also career ko.

"Sa lahat ng trabaho ko, she’s always there for me to teach and give me advice.

"Laging sobrang bait niya."



COSMO CARNIVAL. Si Daniel ang cover ng September issue ng Cosmopolitan at ang finale sa Cosmo Bachelor Bash na ginanap noong Sabado, September 5, sa SM MOA Concert Grounds.

Umulan nang malakas bago nasimulan ang show, at kahit daw si Daniel ay nag-alala at inisip na baka makansela ito.

“Actually, I came from my other event.

"I’m actually worried because they called and said, ‘You have to wait.’

"Naghintay sila para tumigil ang ulan."

Hindi naman nabigo ang mga manonood kay Daniel sa pagrampa niya.

Pero hindi gaya ng ibang celebrities na nagpahipo ng kanilang katawan sa audience, kinamayan lang ni Daniel ang fans niya.

Saad niya, “No naman... siyempre just say hi lang naman sa mga crowd.

"Siyempre, I’m very respectful.

"May girlfriend na ako ngayon, di ba? Kailangan respect lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam naman ni Erich na trabaho lang ito.”

Nanood ba si Erich ng pagrampa niya.

Mabilis na tugon ni Daniel, “Siguro may trabaho siya.

"In-invite ko siya.

"Siguro it’s too crowded... I’m not sure."



TELESERYE WITH ERICH. Nagkuwento rin si Daniel ng ilang kaganapan sa teleserye nila ni Erich sa ABS-CBN, ang Be My Lady.

Ayon kay Daniel, nakakatatlong taping days pa lang siya.

Nagsimula raw ang taping ng soap sa younger cast members.

“Ngayon pa lang kami nagsisimula.

"Mainit yung set namin. Yung location, sa Pampanga.

“Pero sobrang saya. Si Erich is always there for me.

"Masaya kaming lahat kahit behind the scenes."

Kinumusta na rin namin ang plano ni Daniel na magpalit ng citizenship mula Brazilian to Filipino.

"Hindi pa. Kasi it takes a while, di ba? Pero permanent resident na ako," tugon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN