(UPDATED) Louise delos Reyes admits being inspired nowadays: “Nagulat lang ako na someone came in and he actually brightens up my day.”

May nagpapaligaya na raw sa puso ngayon ng Kapuso talent na si Louise delos Reyes, pero ayaw pa niyang pangalanan kung sino ito.


Inspirado ngayon ang Kapuso actress na si Louise delos Reyes.

Sa birthday charity event niya ngayong Martes ng hapon, September 8, nakitaan ng kilig si Louise nang matanong tungkol sa kanyang lovelife.

Sabi ng 23-year-old actress, “Siguro naging side dish muna siya...

“I’m seeing someone. I’m inspired.

“Isa siya sa mga nagpapasaya sa akin.”

Showbiz or non-showbiz?

Medyo nag-isip muna si Louise at sinabing, “Talagang hindi makasagot, o! So, yun.

“Ewan ko kung masasabi ko kung showbiz ba siya, pero yun.”

Pagpatuloy pa niya, “Pero I’m just happy na nadiyan siya palagi, umaalalay siya.

“Tapos kapag… kasi meron din siyang business, natutulungan niya ako sa lahat ng bagay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News si Louise sa birthday charity niya at ng isa pang Kapuso talent na si Arianne Bautista, na ginanap sa pagmamay-ari nilang restaurant na Northwing Manila, sa Maginhawa Street, Teacher’s Village, Quezon City, ngayong hapon.

Sabi ni Louise, hindi lovelife ang isa sa mga focus niya ngayon, pero tila nabago ang pananaw niyang ito.

“Nagulat lang ako na someone came in and he actually brightens up my day.

“Naging inspiration ko talaga siya.

“Kusang dumating.”

THE MYSTERY MAN. Noong una ay ayaw pangalanan ni Louise ang lalaking nagpapasaya ngayon ng kanyang puso.

Kaya naman habang nagpapatuloy ang panayam namin sa kanya ay binisita namin ang kanyang Instagram account, sa pag-asang may madiskubre kami roon.

Pumukaw sa aming atensiyon ang isa sa posts ni Louise kung saan nasa isang gimikan ang dalaga, kasama ang ilang mga kaibigan.

Isa sa mga naka-tag sa larawang ito ay si Champ Lui Pio, ang bokalista ng bandang Hale.

Tinanong ng PEP si Louise kung si Champ ba ang tinutukoy niyang inspirasyon ngayon.

Ngumiti lamang ang Kapuso actress.

Wala man siyang binanggit na pangalan, ibinahagi ni Louise ang ilang detalye sa pagkakakilala nila ng inspirasyon niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Music festival ng Wanderland," banggit niya.

Napag-alaman ng PEP na ginanap ang Wanderland Music and Arts Festival sa Globe Circuit Events Grounds, sa Makati City.

Ang Hale ang isa sa mga bandang nag-perform sa musicfest na iyon.

Bilang fan, nagpa-picture daw si Louise, 23, sa bokalista ng banda na si Champ, 33.

May common friends daw silang nagsilbing tulay upang magkaroon sila ng komunikasyon.

Pero diin ni Louise, nasa dating stage at wala pa silang relasyon ng sinasabi niyang inspirasyon ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN