JC de Vera afraid of losing crush Maja Salvador as a friend if he starts courting her

JC de Vera on looking for a girlfriend: "Oo naman. Hindi naman ako nag-stop. Kahit kanino naman, open naman sila!"


Walang direktang inaamin si JC de Vera pagdating sa kanyang lovelife.

Sabi lang ng Kapamilya actor, “Okey naman, okey naman.

"Meron tayong mga inspirasyon.

"Nothing concrete for now, pero inspired."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC pagkatapos ng Cosmo Carnival noong Sabado, September 5, sa MOA Concert Grounds.

SHOWBIZ RELATIONSHIPS. Hindi itinatanggi ni JC na mayroon siyang idine-date na mga babae. Ibig sabihin, naghahanap siya ng girlfriend?

“Oo naman. Hindi naman ako nag-stop.

"Kahit kanino naman, open naman sila!" natatawang sabi niya.

Noon ay inamin ni JC na lahat ng kanyang naging girlfriends ay mula sa showbiz; kabilang na sina Rhian Ramos at Danita Paner.

Naisip ba niyang hindi magwu-work ang relasyon kung pareho silang artista?

Tugon niya, “Kanya-kanyang opinyon naman kami talaga diyan.

"Sa opinyon ko, hindi sa hindi siya magwu-work, pero mas marami siyang obstacles compared sa non-showbiz."

Nagkakausap pa ba sila ng Kapuso actress na si LJ Reyes, na minsang na-link sa kanya?

Sagot ni JC, “No na, no na... pareho kaming busy sa work, e.”

Nabalitang short-lived lang ang naging relasyon nina JC at LJ.

Hindi rin tumagal ang mga naunang relationship ng aktor, kaya sinasabing hindi pa panahon para magkaroon ng pangmatagalang lovelife ang aktor.

Ngunit giit ni JC, “The right time will come.

"Naghihintay ako. Very patient ako pagdating diyan."

MAJA SALVADOR. Inamin din ni JC na hindi pa rin nawawala ang paghanga niya kay Maja Salvador, na nakasama niya noon sa teleseryeng The Legal Wife.

“Kahit anong mangyari, siya pa rin ang crush ko,” sambit niya.

Plinano ba ni JC na i-level up ang nararamdaman para sa Kapamilya actress?

Saad niya, “Naghahanap ako ngayon ng long-term relationship.

"I’m not saying na hindi pang-long term si Maja, pero at this time of [our] friendship, siyempre ayokong mawala...

“Kapag gumawa ako ng move, ayokong mag-iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, right now, hindi pa siya nagku-cross sa mind ko.

"I’m taking things very slowly sa buhay ko.

“Hindi ko lang ipipilit na mag-next step.

"Kung mangyayari, mangyayari siya.

“Sa ngayon, we’re both happy.

"Nakausap ko siya. Sabi niya, very relaxed siya today, now, and every day."



COSMO CARNIVAL. Samantala, ikinatuwa ni JC ang mainit na pagtanggap sa kanya ng audience sa Cosmo Carnival, kung saan kapansin-pansing naging mas well-defined ang katawan at muscles niya.

Nagtilian ang fans ni JC kahit ipinapakita pa lang sa malaking LED screen ang photo at video clip ng aktor.

Lalong lumakas ang tilian nang bumulaga sa entablado si JC.

Sabi niya, “Very flattered ako sa response ng majority.

"Salamat sa lahat ng sumuporta sa Cosmo Bachelor show this year."

Paano mas napaganda ni JC ang kanyang katawan?

“I eat properly, talagang magda-diet ka.

"Hindi ko rin naman dini-deprive ang sarili ko sa mga maliliit na bagay."

Pinaghandaan daw niya ang Cosmo Bachelor Bash show isang linggo lamang bago ito ginanap.

“Kasi, ever since naman, active ako,” sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN