(UPDATED) Anne Curtis, Paulo Avelino, Sen. Chiz Escudero not spared from heavy traffic Tuesday night

Walang sinisino ang malubhang traffic gaya na lamang ng napatunayan ng mga artistang sina Paulo Avelino at Anne Curtis.


Gaya ng mga ordinaryong mamamayan, hindi rin nakaligtas ang ilang celebrities sa sobrang traffic na nangyari sa maraming bahagi ng Metro Manila kagabi, September 8, hanggang madaling-araw ng Miyerkules, September 9.

Pagkatapos bumuhos ng napakalakas na ulan ay bumaha sa maraming lugar sa Kamaynilaan, na nagdulot naman ng grabeng traffic.

Maraming commuters ang naglakad na lamang dahil walang masakyan, habang napakarami naman ang na-stranded sa kanilang mga sasakyan dahil halos hindi umuusad ang trapiko.

At muling napatunayan na sa traffic ay pantay-pantay tayong lahat, ordinaryong mamamayan man o kahit na celebrity.

Ilan sa celebrities ang nagkuwento ng kanilang karanasan tungkol sa grabeng traffic sa kani-kanilang social media accounts.

Ang Kapamilya actress-TV host na si Anne Curtis ay galing sa isang event at doon ay tinanong siya tungkol sa traffic:

I got interviewed earlier at the presscon of smart about this traffic. What are my essentials to prepare for a traffic jam?

— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) September 8, 2015

Pero kahit na anong preparasyon siguro ang gawin ni Anne ay hindi pa rin siya makakaligtas sa matinding traffic na tumambad sa kanya pag-uwi.

Pasado alas-dose ng madaling-araw ay nasa biyahe pa rin siya.

A sea of red lights. 🚨Halalalalalalalala. Ano to? It's 12:22am. Ngyare?

A photo posted by Anne Curtis (@annecurtissmith) onSep 8, 2015 at 9:23am PDT

Ang Kapamilya actor namang si Paulo Avelino ay kararating lang mula sa London, England, kung saan 14 oras ang ibiniyahe niya sa eroplano.

At pagdating niya sa Pilipinas ay limang oras naman ang ginugol niya sa pagda-drive dahil sa traffic. Welcome home, Paulo!

14 hours by plane, 5 hours by car.... DRIVING! Nice way to welcome me back Manila. 😂

— Paulo Avelino (@mepauloavelino) September 8, 2015

Maging si Senator Chiz Escudero ay hindi nakaligtas sa matinding traffic sa EDSA kagabi:

Been stuck in traffic (complete standatill) along EDSA in front of Megamall (northbound) for the past 30 mins... :( :(

— Chiz Escudero (@SayChiz) September 8, 2015

Ni-retweet din ng mister ni Heart Evangelista ang kuha ng isang Twitter user ng kalunus-lunos na sitwasyon ng traffic sa kahabaan ng EDSA:

Traffic along EDSA now, past midnight. This is what Abaya's been calling "not fatal." Sorry, #Manila. Pic by OrangeTV pic.twitter.com/E5ghEHQnR8

— Irene Mindanaoan.com (@mindanaoan) September 8, 2015

Ito naman ang malaking katanungan ni Yaya Dub o ni Maine MendoZA:

Traffic pa din?!?!?!?!?!

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 8, 2015

Ang ABS-CBN news anchor na si Karen Davila ay na-stuck din sa traffic:

It's 12:36 AM southbound EDSA Boni Avenue. WAZE says I'll be home 1am pic.twitter.com/np7mcyuSxe

— Karen Davila (@iamkarendavila) September 8, 2015

Mensahe naman ni Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar:

...and that, my friends, is why I no longer live in Manila. #traffic #baha #krimen #pollution

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) September 8, 2015

Sabi naman ng stylist na si Liz Uy:

Nakaka-hulas ang traffic 😪😪😪

— Liz Uy (@lizzzuy) September 8, 2015

May paalala naman ang Buena Familia actress na si Angelu de Leon sa lahat:

Take care guys. Be safe and dry. Me i'm stuck in traffic try to get home for our TBS. https://t.co/lePMfVxtX1

— Angelu DeLeon-Rivera (@iamAngeluDeLeon) September 8, 2015

Ang matinding traffic din kaya ang tinutukoy ng Kapuso star na si Julie Anne San Jose rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mangry. Mad and hungry 😭

— Julie Anne San Jose (@MyJaps) September 8, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN