Rommel Padilla saddened by Mariel Rodriguez’s second miscarriage; updates fans on real score of #KathNiel

Ibinalita ni Rommel Padilla na kasalukuyang nasa ibang bansa ang kapatid na si Robin Padilla at ang asawa nitong si Mariel Rodriguez upang mag-recover sa muling pagkakalaglag ng sana ay magiging triplets nila.


Ikinalungkot din ni Rommel Padilla ang pagkalaglag ng sana ay triplets na anak ng kapatid niyang si Robin Padilla at ng asawa nitong si Mariel Rodriguez.

Pahayag niya, “Yun nga, may kalungkutan nga yung mga pangyayari.

"Pero ngayon, nasa abroad sila, nagri-recover.

“Of course, move on.”

Nitong nakaraang buwan ng Agosto, muling nakunan si Mariel matapos ang unang miscarriage nito noong Abril.

Triplets sana ang magiging supling ng mag-asawa kung sakaling nagkaroon ng heartbeat ang mga nasa sinapupunan ni Mariel.

Read: Mariel Rodriguez suffers miscarriage for the second time

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rommel sa premiere ng pelikulang Heneral Luna noong Linggo, September 6.

Kahit hindi kasali sa pelikula, sinuportahan ni Rommel ang mga kaibigang kasali sa cast at producers ng nasabing historical movie.

KATHNIEL. Samantala, naiba ang mood ni Rommel nang matanong naman tungkol sa anak na si Daniel Padilla at sa ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo.

Ano na nga ba ang real score sa dalawa?

Sagot ni Rommel, “Meron pa bang dapat aminin?

“Kita na lahat, hindi... wala naman silang nababanggit sa akin.

"Pero sa nakikita ko sa kanila, dun sa pagiging close nila sa isa’t isa...

"Every day kasama mo, kulang na lang matulog na lang silang magkasama, di ba?

“I guess na meron silang espesyal na atensiyon sa bawat isa.”

Sina Daniel at Kathryn ay kasalukuyang magkasama sa teleseryeng Pangako Sa 'Yo ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN