Archie Alemania on reported threats on his life: “Nabantaan ko na rin sila, nagbantaan na kami. So, yun, tapos na.”

Nagbabalik sa limelight ang actor-dancer na si Archie Alemania sa pamamagitan ng historical film na Heneral Luna. Pero nakatuon daw ngayon ang kanyang oras sa culinary studies at sa binabalak niyang business.


Pagkatapos masangkot sa gulo sa isang fastfood chain noong August 2014, nawala sa sirkulasyon ang komedyante at TV host na si Archie Alemania.

Hindi na rin nabigyang-linaw kung ano ang puno’t dulo ng kinasangkutan nitong gulo, kung saan may mga nagbanta raw sa kanyang buhay.

Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 37-year-old actor sa premiere ng pelikulang Heneral Luna, sa SM Megamall, noong Linggo, September 6.

Gumaganap si Archie bilang si Captain Eduardo Rusca sa naturang historical film na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw, September 9.

Inusisa namin kay Archie ang tungkol sa gulong sinangkutan niya noong nakaraang taon.

Tugon nito, “Hindi, wala na yun... nakalimutan ko na nga yun.

“Wala na yun, nakalimutan ko na yun.”

Ano na ang nangyari sa mga nagbanta sa buhay niya?

“Okay na yun, nabantaan ko na rin sila, nagbantaan na kami.

"So, yun, tapos na!" sabay pakawala ng malutong na halakhak ni Archie.

Pero parang nag-isip ulit siya sabay sabing, “Ano ba yun? Hindi ko na nga rin alam, e.

"Wala, magulo... okay na rin naman yun.

“I don’t know kung meron pa, ha, pero sa akin lang, if God willing... kung nandiyan pa, let it be.

“If God’s will, pero I trust everything lang to the Lord.”



CHEF ARCHIE. Sa ngayon daw ay abala si Archie sa pag-aaral ng Culinary Arts.

Kuwento niya tungkol dito, “Nagku-culinary ako ngayon and we’re planning to...

"Ako, nag-usap na kami nung may-ari nung school, and I’m planning na maging owner na rin, maging co-owner.

"Sososyo ako dun sa school."

Sa showbiz, hindi muna raw magiging aktibo si Archie kapag hindi naman regular show.

“So, showbiz, yeah, I’m still doing it, pag meron. Guestings...

"Pero pag hindi naman regular, halimbawa teleserye na ang offer ay hindi naman regular, I'd just rather concentrate muna dun sa culinary."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN