Rhian Ramos to step into ABS-CBN studios for the first time: “I’m gonna guest pa lang sa mga talk shows.”

Her contract with the Kapuso Network will expire in October, but Rhian Ramos has other things on her mind. "I’m not focusing on getting more work right now. I’m actually focusing on getting a vacation... maybe clear my head and figure that out afterwards.”


Wala pang bagong drama project ngayon si Rhian Ramos matapos siyang magbida sa GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter.


Pero hindi naman nababakante ang Kapuso actress dahil abala siya ngayon sa promo ng lalabas nilang pelikula ni Piolo Pascual, ang Silong, na mapapanood sa mga sinehan simula September 16.

Ayon kay Rhian, sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere ng Heneral Luna noong Linggo, September 6, marami nang nakalatag na promotion schedule para sa kanilang pelikula.

Excited pa niyang sabi, “We have a lot of promotions planned already, guestings on both networks, mall shows, stuff like that.”

Binanggit din nito ang isa niyang show sa GMA News TV, ang Full Throttle.

KAPAMILYA GUEST. Posibleng tumuntong daw si Rhian sa bakuran ng ABS-CBN para mag-promote ng Silong.

“I’m gonna guest pa lang sa mga talk shows.”

Hindi raw problema ito sa GMA Network kung saan siya nakakontrata.

Paliwanag niya, “Ipinaalam lang naman… there’s proper permission for everything.

“The team of Silong and my management wrote to GMA.”

Kung sakali, first time ang napipintong pagbisita ni Rhian sa Kapamilya network. Ano ang feeling niya rito?

Nakangiting sabi ng aktres, “Okey naman, okey naman.

“I would probably be more nervous if Piolo wouldn’t be there.

“But he will naman, so I have a friend to depend on.”

Isa si Rhian sa mga nag-produce ng Silong pero wala raw siyang naranasang hirap sa aspetong ito.

Sabi ni Rhian, “The hard work is actually done by Darlene [isa rin sa mga producers].

“My responsibility is really more as an actress.”

Open ba siya uli na magco-produce ng susunod niyang pelikula?

“I don’t know. It’s really not something i thought about.”

EYEING A VACATION. Sa pagkakaalam ni Rhian, sa October matatapos ang kontrata niya sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May posibilidad bang lumipat siya sa ABS-CBN kung sakaling mag-offer ito ng trabaho at wala na siyang commitment sa mother network niya?

Sagot ni Rhian, “It’s not something that I’ve been thinking about lately.

“More than anything else, I just want… I’m not focusing on getting more work right now.

“I’m actually focusing on getting a vacation, hopefully.

“I wanna go on a vacation and maybe clear my head and figure that out afterwards.”

Nagpaparamdam na ba ang Kapuso management ng intensiyong i-renew ang kanyang contract?

"I don’t know, I’m really not… in terms of closing contract, I’m not doing it right now," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN