Ai-Ai delas Alas to follow after Vic Sotto's engagement to Pauleen Luna?

Ai-Ai delas Alas shares her exchange of messages with Vic Sotto after learning about his engagement to Pauleen Luna: “’Paano ‘yan, idol kita. Di ba, sabi ko pag hindi ka ikinakasal, hindi rin ako magpapakasal? Paano ngayon ‘yan, magpapakasal ka, e, di ibig sabihin magpapakasal na rin ako ulit?’ Sabi niya, ‘Ilang beses ka na ba nagpakasal?’ Sabi ko, ‘Bossing, flop yung dalawa!’”


Si Ai-Ai delas Alas ang isa sa pinaka-excited nang nabalitaan niyang engaged na si Vic Sotto kay Pauleen Luna.

Nasa Amerika siya nang aminin ni Vic na engaged na siya kay Pauleen.

Read: Vic Sotto confirms engagement to Pauleen Luna: “Yes, we are.”

Masayang kuwento ni Ai-Ai, “Tinext ko siya [Vic], nasa New York ako.

“Tinext ko, sabi ko, ‘Bossing, totoo ba ‘tong nabalitaan ko na ikakasal ka na, engaged ka na?

“’Paano ‘yan, idol kita. Di ba, sabi ko pag hindi ka ikinakasal, hindi rin ako magpapakasal?

“’Paano ngayon ‘yan, magpapakasal ka, e, di ibig sabihin magpapakasal na rin ako ulit?’

“Sabi niya, ‘Ilang beses ka na ba nagpakasal?’

“Sabi ko, ‘Bossing, flop yung dalawa!’”

Natutuwa rin si Ai-Ai para kay Pauleen dahil nakita raw niya kung gaano nito kamahal si Vic.

Sabi ng Philippine Queen of Comedy, “Alam mo, sa totoo lang kasi, nakita ko na super-effort talaga siya.

“Birthday nito [Vic], hinabol pa ako niyan para mag-video ako.

“Kasi alam niya mahal na mahal ako nito, kaya nag-video.

“Nakakatuwa yun si Pauleen, sobra.”

Mensahe pa ni Ai-Ai kay Pauleen, “I’m so happry for you.

“Alam ko magiging masaya sa ‘yo si Bossing.

“Alam ko ngayon may forever.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa story conference ng pelikulang My Bebe Luv #kiligpamore na ginanap sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City, noong Martes, September 8.

Ang nasbaing pelikula ay entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Doon sa storycon ay iprinisinta na ni Ai-Ai ang sarili na kunin siyang abay sa kasal nina Vic at Pauleen.

“Sabi ko, ‘Bossing, abay ako, ha?’

“Alam mo sagot, ‘Mag-shooting muna tayo.’

“Siyempre gusto ko, kahit ayaw niya, ipilit ko ang sarili ko, 'Abay ako, abay ako,'” sabi nito kay Vic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN