Vic Sotto shrugs off naysayers on his engagement to Pauleen Luna:"It’s for them to see and believe."

Vic Sotto on enjoying his relationship with fiancée Pauleen Luna: “I live my life a day at a time. Kung ano ang nandiyan, kung anong dapat gawin. Hindi yung nakasulat na do’s and don’ts. I don’t think it’s good for a relationship… yung spontaneous lang.”


Wala pa ring ibinibigay na detalye si Vic Sotto tungkol sa balak nilang pagpapakasal ni Pauleen Luna.

Nasa Amerika pa ngayon si Pauleen, kaya pag-uusapan daw nila ang tungkol sa detalye ng kanilang kasal pagbalik sa Pilipinas ng actress-TV sa Linggo, September 13.

Ayon kay Vic, “Wala pang details. Wala pa naman kaming final na plano talaga.

“Kasi naman, kami naman ni Pauleen, ayaw namin yung talagang engrande.

“Yung eksakto lang, kaibigan, family, kayo, mga dabarkads.”

Hindi naman daw nila ito itatago sa media ayon kay Vic, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng pelikulang My Bebe Luv #kiligpamore, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City, noong Martes, September 8.



TRUE OR FALSE? Itinanggi naman ni Vic ang lumabas na kuwentong namimili na raw ng wedding gown sa Amerika si Pauleen.

Pumunta lang daw doon ang kasintahan para daluhan ang kasal ng kanyang pinsan.

Pero inamin ng 61-year-old actor-TV host na may ipinapatayo silang bahay. Matagal na raw nila itong plinano, pero hindi pa ito tapos.

Aniya, “Hindi pa, itinatayo pa. Matagal na namin inaayos ‘yan.

“Long-range planning, e. It’s not something na, ‘lika na, na biglaan.”

Ayon pa kay Vic, ini-enjoy lang nila ni Pauleen ang kanilang relasyon, pero matagal na nilang napag-usapan ang lumagay sa tahimik.

“Basta I’m looking forward of settling down… yung family. Ganun lang kasimple.

“Wala akong pinagtutuunan ng pansin na ganito ang gagawin ko, gagawin natin.

“Hindi naman ako yung tipong ganun, e.

“I live my life a day at a time. Kung ano ang nandiyan, kung anong dapat gawin.

“Hindi yung nakasulat na do’s and don’ts.

“I don’t think it’s good for a relationship… yung spontaneous lang.”



NEGATIVE COMMENTS. Ipinagkikibit-balikat na lang din ni Vic ang ilang hindi pa rin naniniwala sa kanya at pawang negatibong komento ang ibinabato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Makita naman nila, e.

“Kumbaga, makikita mo naman yung fruits of your labor, kumbaga.

“Mahirap na magsalita. It’s for them to see and believe,” nakangiting sabi niya.

Sa ngayon ay gusto muna ni Vic na mag-focus sa pelikulang gagawin nila ni Ai-Ai delas Alas na kalahok sa MMFF sa Disyembre.

Ito yung dating Romcom-in Mo Ako na pinalitan nila ang title sa My Bebe Love #kiligpamore, na isinulat at ididirek ni Joey Reyes.

Kinumpirma nina Vic at Ai-Ai na kasali sa pelikula si Alden Richards.

Pero hindi pa nila makumpirma kung kasali na rin si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub dahil nakadepende ito kung ano ang susunod na mangyayari sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN