Alden Richards dedicates current success to his late mom: “This is her legacy and I’m doing this for her still.”

Alden Richards on his late mother, Rosario Reyes Faulkerson: "I’m sure, wherever she is now, she is very happy. And, kumbaga, parang mas lumakas yung kapit ko kay Lord kasi siya [his mom] na yung direktang nagsasabi. Kumbaga, siya na yung guardian angel ko, e."


Sa tinatamasang kasikatan ngayon ng Pambansang Bae na si Alden Richards, isang tao lang ang laging naiisip ng Kapuso star na sana’y nasaksihan ang mga nangyayari sa career niya ngayon.

Ito ay ang kanyang yumaong ina na si Rosario Reyes Faulkerson.

Pumanaw ang ina ni Alden noong 2008 dahil sa sakit na chronic pneumonia.

Isa raw sa pangarap ng kanyang ina ang mapanood si Alden sa TV at pelikula bilang isang artista.

Sabi ni Alden sa panayam sa kanya ng morning show na Unang Hirit noong Martes, September 7, “Ito pong pag-aartista, talagang dream po ‘to ng mom ko for me.

“So, sabi ko, ayokong masayang. Kumbaga, parang ito yung legacy niya on me.

“This is her legacy and I’m doing this for her still.”

Para makapasok sa showbiz, sinubukan muna ni Alden ang sumali sa male beauty pageants sa kanilang probinsiya sa Santa Rosa, Laguna.

Nanalo naman siya bilang Ginoong Santa Rosa 2009 at naging runner-up sa Ginoong Laguna 2010.

Pumila rin si Alden sa mga audition para sa reality shows na StarStruck V ng GMA Network noong 2009 at sa Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010 ng ABS-CBN.

Parehong bigo si Alden na mapasama sa mga naturang programa.

Ang naranasan niyang rejections ay sumubok nang husto sa kanyang pag-aasam na makapasok sa showbiz.

Pagkatapos gumawa ng ilang TV commercials, sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay na break ni Alden nang tawagan siya ng GMA para mag-audition sa isang teleserye noong 2010.

Ito ay ang Alakdana na nag-launch sa career ni Louise delos Reyes, na naging unang ka-loveteam ni Alden sa una niyang teleserye.

Saad ni Alden, “When I started, bago ako magsimula at nasaan ako ngayon, mas marami yung naghirap ako, e.

“Naranasan ko na yung ma-reject, yung malaman mong may ayaw pala sa ‘yo.

“But that made me want to be in showbiz more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng pagtitiyaga at pagpapasensiya ay ginawa ko, at alam ko na darating ang lahat sa tamang panahon.”

GUARDIAN ANGEL. Ngayong nasa pinakamataas na estado na marahil ng kanyang career si Alden, hindi pa rin daw niya nakakalimutan ang mga pangaral ng kanyang ina bago ito pumanaw.

“Nagpa-pabebe wave ako. Sinasabi ko, ‘Ma, o, sayang hindi mo naabutan ‘to.’

“Pero I’m sure, wherever she is now, she is very happy.

"And, kumbaga, parang mas lumakas yung kapit ko kay Lord kasi siya [his mom] na yung direktang nagsasabi.

“Kumbaga, siya na yung guardian angel ko, e.”



GROWING FAN BASE. Samantala, patuloy na lumalaki ang fan-base ng AlDub—ang tambalan nina Alden at Maine Mendoza o Yaya Dub—hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa iba’t ibang bansa; tulad ng USA, Canada, Hong Kong, Bermuda, Australia, Japan, Israel, Dubai, at sa iba’t ibang bansa sa Europe.

Inamin ni Alden na hanggang ngayon ay hindi pa rin lubusang nagsi-sink in sa kanya ang tinatawag ng marami na “newfound fame.”

Sabi niya, “Ang gusto ko po mag-sink in sa akin ngayon, yung dami ng sumusuporta po sa akin, ang daming supporters, yung dami ng fans na naniniwala na nagtatanggol sa akin.

“Sa lahat ng mga negativity at saka yung sumusuporta po sa lahat ng ginagawa ko, yun po ang gusto ko i-sink in.

“I’m enjoying what I am doing.

“I’m enjoying giving people joy and laughter and kilig every day.

“So, siguro yun po. That’s what keeps me going, yung happy disposition po.”

Sa ngayon ay inuulan na ng blessings ang AlDub loveteam.

Tatlong TV commercials ang kanilang gagawin: para sa isang fastfood chain, isang clothing brand, at isang mobile company.

Para sa mga gustong makilala pa nang husto si Alden, panoorin ang kanyang PEPtalk interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN