Jeric Gonzales careful about handling gay admirers: “If malaman nila na baka pumapatol ka sa bading, siyempre iisipin na rin na bading ka.”

Jeric Gonzales says he's not homophobic: "High school pa lang ako, marami na kong nakaka-interact na bading, mga friends, at saka magagaling sila kaya nakakatutuwa."


Hindi maitatanggi na si Jeric Gonzales ang isa sa pinakaguwapong artista sa bakuran ng Kapuso network.

Kaya naman hindi maiiwasang magkagusto sa kanya ang marami, maging babae man o gays.

At aminado naman dito ang Protégé: The Big Artista Break winner.

Sabi ni Jeric, "Honestly, marami talaga ang nagkakagusto sa akin.

"Parang siguro, 30 percent lang ang babae, 70 percent ang bading."

Paano ang pakikitungo niya sa mga bading na nagkakagusto sa kanya?

Tugon ng 23-year-old actor, "I take it na hindi seryoso.

"Naa-appreciate ko sila. Nagte-thank you ako kapag may sinasabi silang compliments.

"Pero ako sa sarili ko, parang naglalagay na ako ng wall without saying naman.

"Napapansin na nila yun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa presscon ng upcoming afternoon soap na Destiny Rose, noong September 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.



NOT HOMOPHOBIC. Hindi rin ikinaila ni Jeric na may mga bading na nagbibigay ng regalo sa kanya.

Yung iba, tinatanggap daw niya; pero yung iba, hindi.

"Usually, pabango. Yun kadalasan na ibinibigay.

"Kung sa mga fans, kilala ko, tinatanggap ko.

"Pero kapag hindi, hindi, e. Mahirap na magkaroon ng isyu na pumapatol sa bading."

Ayon kay Jeric, maingat siya na maisyung pumapatol sa bakla.

"Maingat ako kasi, for the girls, if malaman nila na baka pumapatol ka sa bading, siyempre iisipin na rin na bading ka.

"So, mahirap din."

Sigurado raw si Jeric na hindi siya mai-in love sa bading.

"Sure kasi ako sa sarili ko na babae ang gusto ko," nakangiting sabi niya.

Pero nilinaw ni Jeric na hindi siya homophobic dahil high school pa lang daw siya ay marami na siyang kaibigang bading.

"High school pa lang ako, marami na kong nakaka-interact na bading, mga friends.

"At saka magagaling sila kaya nakakatutuwa.

"Walang problema."



NEW LOVE INTEREST. Hindi babae ang love interest ni Jeric sa Destiny Rose kundi lalaki—si Ken Chan, na gaganap na transsexual woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan ni Jeric sa kanyang role, "Childhood sweetheart niya ako.

"Bale, since bata ako, meron na siyang pagtingin sa akin, kasi nga bakla siya.

"Until such time na naging binata na ako at siya naman, naging dalaga na."

Love interest din ni Ken sa Destiny Rose si Fabio Ide, at doon daw magkakaroon ng conflict.

Sa ngayon, hindi pa alam ni Jeric kung mai-in love din ang character niya kay Ken.

"Sa ngayon kasi, kaibigan lang talaga. Siya talaga yung may gusto."

Natuwa si Jeric nang malamang makakasama siya sa Destiny Rose dahil hindi siya nabakante sa teleserye.

"Masayang masaya talaga ako, kasi after Pari 'Koy, meron na ako agad.

"At saka, hindi naman ako regular dito. Pagpasok ko, cameo role.

“Nang makita nilang may chemistry raw kami ni Ken, yun."

Ano ang naging dating kay Jeric nang sinabing may chemistry sila ni Ken?

"Okey lang!" natawa niyang sabi.

"Gusto ko naman kasi ang role ko.

"At nang magtrabaho kami ni Ken, ang galing niya. Sobrang gaan niyang katrabaho.

"At saka, kahit bakla siya [Ken’s character], kinilig ako.

"Doon pumapasok yung kahit sino pa 'yan, basta may connection ang dalawang tao, [okay na]."

STILL NO LOVELIFE. Sa ngayon ay wala pa ring lovelife si Jeric, pero ready na raw siya kung sakali.

Si Thea Tolentino, female counterpart niya bilang Protégé winner, ang orihinal na ka-loveteam ni Jeric.

Pero dahil sa tagal ng itinatakbo sa ere ng afternoon soap ni Thea na The Half Sisters, matagal na rin silang hindi nagkakasama.

Nanghihinayang nga raw si Jeric.

"Sayang, kasi ngayon, hindi ko nakikita si Thea, ang tagal na rin.

"Pero at least, ang galing, successful siya. Ang galing niyang aktres.

"Kapag nakikita ko ang picture namin together, parang nakikita kong bagay na bagay talaga kami.

"Parang walang ibang loveteam puwede kay Thea kung hindi ako lang!" natawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bawi ni Jeric, open siya kahit kanino pa siya ipareha.

"Hindi naman ako makakapili. Yung network talaga 'yon.

"Pero kung pamimiliin talaga ako, si Thea talaga.

"At saka, good friends talaga kaming dalawa. Pareho pa kaming taga-Calamba [Laguna].

"At least, mas kilala namin ang isa't isa."

Hindi ba niya naisip na ligawan noon pa si Thea?

Pag-amin ni Jeric, "Naisip po.

"Pero siguro at that time, compared sa ngayon, mas mature na kami.

"Dati kasi, parang focused masyado sa work.

"Ngayon, parang wala, e. Ang ganda niya.

"Pero ano lang naman, partner lang."

Si Thea ay may rumored boyfriend sa katauhan ng kasamahan nila sa Protégé na si Mikoy Morales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN