Ellen Adarna on relationship status with Ejay Falcon: “Getting to know each other pa lang.”

Ellen Adarna on attending Star Magic Ball for the first time with Ejay Falcon: "Chill muna ako ngayon. Baka pag masobrahan ako ng excitement, baka ano mangyari. Chill lang muna ako. Mag-usap na lang tayo sa Saturday."


Nilinaw ni Ellen Adarna na wala pa silang opisyal na relasyon ni Ejay Falcon sa kabila ng pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Ito ay sa kadahilanang dalawang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang makipaghiwalay si Ellen sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Raymund Romualdez.

Pahayag ni Ellen patungkol kay Ejay, “Getting to know each other pa lang. Tapos lumalabas kami. Yun lang.

“Tsaka hindi pa ako ready kasi kaka-break ko lang ng ex-boyfriend ko, e.”

Gayunman, kung saka-sakali ay bukas si Ellen sa posibilidad na maging sila ni Ejay.

Aniya, “Everything is possible naman.”

Kuwento pa ni Ellen, ilang beses nang bumisita sa kanyang tinitirhang bahay si Ejay.

Tinulungan pa umano siya ng aktor na mamili ng ibang kagamitan nang lumipat sa bagong apartment ang sexy actress.

Lahad niya, “Oo, kasi nung time na yun, nagloko yung driver ko.

“Tapos magka-text kami, ‘Anong plano mo today?’

"Sabi ko, ‘Kailangan ko bumili ng gamit-pangbahay. I need a hand.’

"So, yun, tinulungan niya ako."

Nakapanayam ng entertainment press si Ellen sa presscon ng Pasion De Amor Book 2, na ginanap sa ABS-CBN ELJ Building, Huwebes ng hapon, September 10.

ELLEN CALLS EJAY "PABEBE BOY." Ayon pa kay Ellen, taglay ni Ejay ang ilang katangiang hinahanap niya sa isang potential boyfriend, tulad ng pagiging matangkad at matipuno.

Paglalarawan pa niya sa kanyang Pasion De Amor leading man, “Sobrang bait.

"Parang babae minsan. In so many ways, he’s sensitive."

Sa puntong ito, bahagyang umalma si Ejay na napapangiti habang nakikinig sa pahayag ni Ellen tungkol sa kanya.

Nilinaw naman ni Ellen na kaya niya nasabing "sensitive" si Ejay ay dahil mabilis mapikon ang aktor.

“Kasi ako, mahilig akong mang-asar. Minsan inaasar ko siya.

"Hindi ko naman intention to hurt him.

"Tapos minsan nagtatampo-tampo siya sa mga ganyan. Pabebe boy!"

Bilang depensa sa kanyang sarili, inihayag ni Ejay na minsan ay nakakaramdam siya ng konting pagseselos kapag panay ang banggit ni Ellen sa celebrity crush nitong si James Reid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, lagi niya akong... kasi guwapung-guwapo siya kay James Reid.

“Tapos lagi niyang sinasabi, ‘O, wow! Guwapo ka dito ha, James Reid!’

"Gusto ko sabihin niya, ‘Guwapo ka dito, Ejay!’

“Pero hindi yun ang pinaka [kinaaasaran ko].

"Pero yun yung sa dami ng pambu-bully niya sa akin, isa yun, yung mga ganun!" natatawang pag-amin ni Ejay.

Pinagseselosan nga ba ni Ejay si James?

Sagot ng Pasion De Amor actor, "Hindi. Actually, dati po talaga seloso po talaga akong tao.

"Aaminin ko, seloso ako, sensitive ako.

"Pero [simula nung] nakasama ako kay Ellen, napag-aralan ko na yung sarili ko para mawala yung selos, yung pagiging sensitive.

"Kasi wala, e, kailangan mo matuto, kailangan mong mag-adjust sa tao.

"And feeling ko talaga, nawawala yun."

Sa kabila nito, nilinaw ni Ellen na walang halong malisya at simpleng paghanga lang ang pagtingin niya kay James.

“Oo, crush ko lang. Crush ko lang talaga si James Reid.

“Wala [nang pagnanasa]. Ang bata pa ni James!”



DATE NIGHT AT STAR MAGIC BALL. Sa huli, nabanggit din ni Ellen na handa na siya sa date nila ni Ejay sa Star Magic Ball, na gaganapin sa Makati Shangri-La Hotel sa Sabado, September 12.

Ito ang unang pagkakataong makakadalo si Ellen sa naturang annual event ng Star Magic.

Excited na ba siya sa date nila?

Sagot ni Ellen, "Chill muna ako ngayon.

"Baka pag masobrahan ako ng excitement, baka ano mangyari.

"Chill lang muna ako. Mag-usap na lang tayo sa Saturday."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN