Paulo Avelino on reunion with ex-girlfriend KC Concepcion in London: "Wala. Nagkita lang kami, nag-usap. That's it."

Ayon kay Paulo Avelino, wala naman talagang naging problema sa kanila ng ex-girlfriend na si KC Concepcion. Nagkita muli ang dalawa nitong nakaraang linggo sa London na ikinatuwa naman ng kanilang mga tagasuporta.


Nagkasamang muli ang dating magkarelasyon na sina Paulo Avelino at KC Concepcion sa ASAP Live in London nitong nakaraang linggo.

Sa mga larawang lumabas sa social media, makikitang magkatabi sina Paulo at KC sa loob ng bus na sinakyan ng maraming Kapamilya stars.

After a successful show at sse arena in wembley london... on r way to the victory party #asap20inlondon

A photo posted by bernardcloma (@bernardcloma) onSep 6, 2015 at 10:59am PDT

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Paulo, sa presscon ng pelikulang Resureksyon kagabi, September 10, kinumusta naman sa kanya ang muli nilang pagkikita ni KC.

Sagot niya, "Wala. Nagkita lang kami, nag-usap. That's it."

Maganda ang naging feedback mula sa netizens na mukhang maayos na ulit ang kanilang samahan ni KC. Ano ang masasabi ni Paulo dito?

Saad niya, "Sa akin kasi, there's nothing more than you know.

"Nag-usap naman kami, and dun, nakapag-usap ulit kami and that's it."

Magkaibigan na sila ulit?

"Yes, we are," sagot ng Kapamilya actor.

Hindi naman daw ito ang una nilang pagkikita dahil ilang beses nang nagkasalubong ang kanilang landas dati.

Dagdag pa ni Paulo, "Ganun talaga, if you see each other, nagbabatian kayo. Nagkukuwentuhan kayo and that's it.

"It's casual. It's what any other friends would do, same thing."

Hindi na rin daw sila nagkakailangan sa isa't isa.

JUST FRIENDS WITH MAJA. Sa kabilang banda, inuugnay naman ngayon ang pangalan ni Paulo sa aktres na si Maja Salvador.

May mga lumalabas kasing larawan na magkasama sila sa mga gimikan.

Paglilinaw ni Paulo, "No, no, no...

"We have common friends, we have a common set of friends na nagkakataon na kapag lumalabas, nagkikita."

Nililigawan na ba niya si Maja?

Tanggi ni Paulo, "No, wala, wala.

"Me and Maja are friends."

Sinabi naman ng 25-year-old actor na lalakad siyang mag-isa sa red carpet sa taunang Star Magic Ball bukas, September 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN