Wilma Galvante leaves executive position in TV5

by Nerisa Almo
Sep 11, 2015
Ms. Wilma Galvante, through her private company, will continue to provide service to TV5 as line producer of its programs like Happy Truck ng Bayan and Wattpad Presents.

Inanunsiyo ng TV5 na hindi na magiging bahagi ng pamunuan ng network si Ms. Wilma Galvante.

Sa isang press statement na ibinahagi ng TV5 Corporate Communications sa Twitter ngayong araw, September 11, sinabi nilang magpapaalam na si Galvante bilang chief entertainment content officer ng network.

Gayunman, patuloy pa rin daw makakatrabaho ng network si Galvante sa pamamagitan ng kanyang kumpanya, na magiging line producer ng ilang Kapatid shows, kabilang na ang Happy Truck ng Bayan at Wattpad Presents.

Naibalita kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkakaroon ng malaking pagbabago sa TV5 para makapag-focus sa digital content ng istasyon.

Read: TV5 reportedly undergoing 'major retrenchment'; offers special voluntary separation program to employees

Bago siya lumipat sa TV5 noong 2012, matagal nanungkulan si Galvante bilang senior vice president ng Entertainment TV sa GMA Network.

Narito ang buong joint statement ng TV5 at ni Galvante tungkol sa pagkakawala niya sa network:

#TV5 and @iamwvg's official statement: pic.twitter.com/EQjvobyVqK

— Peachy Vibal (@peachyvg) September 11, 2015
Read Next
Read More Stories About
Wilma Galvante
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ms. Wilma Galvante, through her private company, will continue to provide service to TV5 as line producer of its programs like Happy Truck ng Bayan and Wattpad Presents.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results