Alden Richards and Maine Mendoza star in their first TV commercial

Inabangan ng maraming AlDub fans ang pag-ere ngayong araw, September 11, ng kauna-unahang TV commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.


Umere na ngayong araw, September 11, ang unang TV commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub para sa isang fastfood chain.

Gaya ng inaasahan, split screen pa rin ang konsepto ng TV ad dahil magkahiwalay sina Alden at Maine nang kunan ito.

Pero kakaibang kilig pa rin ang hatid ng first TVC ng AlDub loveteam dahil hindi ito nalalayo sa split-screen concept na napapanood sa kanilang Kalyeserye sa Eat Bulaga.

Sa una ay aakalaing magkaharap sina Alden at Maine na kumakain ng iniendorsong produkto, pero mari-reveal na magkaiba sila ng lokasyon—si Maine ay nasa loob ng fastfood store at si Alden naman ay nasa loob ng sasakyan.

Pero sa huli ay pinalabas na dumaan ang sasakyan ni Alden sa fastfood store kung saan naroroon si Maine.

Lalo pang nagpakilig sa nasabing TVC ay ang pagda-Dubsmash nina Alden at Maine ng kantang "Ikaw Lang Ang Aking Mahal."

Ang "Ikaw Lang Ang Aking Mahal" ay orihinal na kinanta ng VST & Co., kung saan bokalista ang Dabarkads nina Alden at Maine na si Vic Sotto.

Ang sumulat naman ng lyrics nito ay si Joey de Leon at ang musika naman ay nilikha ni Tito Sotto, na mga kasamahan din ng AlDub sa Eat Bulaga.

Kaya naman pagkatapos ipalabas sa unang pagkakataon ang TVC sa Eat Bulaga! ay ipinagmalaki ni Joey na bahagi pa rin ang TVJ dito.

Proud to be part of the new AlDub McDo commercial. I wrote the lyrics of "Ikaw Lang Ang Aking Mahal", Tito the music.#ALDUBKoTo

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 11, 2015

May kinalaman din sa unang TVC nina Alden at Maine ang hashtag para sa Kalyeserye at Eat Bulaga! ngayong araw—#ALDUBKoTo.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit one million ang tweets para sa nasabing hashtag, patunay na marami ang nag-abang sa paglabas ng unang TVC nina Alden at Maine.

Ito na ang ika-21 beses at at ika-19 sunud-sunod na beses na umabot sa isang milyon ang hashtag para sa AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban sa lumabas na TVC nina Alden at Maine, mayroon pa raw ibang versions ito na mapapanood sa mga susunod na araw.

Pero simula pa lang daw ito ng pagdating ng endorsements ng AlDub dahil sa Lunes, September 14, ay ilulunsad naman ang TVC nila para sa isang mobile company.



KALYESERYE. Samantala, sa inaabangang Kalyeserye ng Eat Bulaga! ay hindi pa rin nahahanap si Yaya Dub pagkatapos itong dukutin ng mga di pa nakikilalang lalaki noong Sabado, September 5.

Bagamat nakatakas na si Yaya Dub mula sa pinagdalhan sa kanya, si Alden naman ang dinukot sa episode na ipinalabas kahapon, September 10.

Kanina, September 11, ay dumating ang dalawang pulis na nagpakita ng mga larawan ng possible suspects sa pagdukot kay Yaya Dub.

Kabilang sa mga suspek sina Tinidora, Tidora, Impostor na Pastor, Frankie, Duhrizz, Rogelios, Don Franing, Isadora, Lola Nidora, Alden, at Dodong.

Pagkatapos niyang makatakas ay nagpagala-gala kung saan-saan si Yaya Dub, pero nahuli siya ulit ng mga kumidnap sa kanya kanina.

Marami naman ang nag-aabang sa episode bukas dahil malakas ang kutob ng AlDub fans na muling magkikita o magtatagpo sina Alden at Yaya Dub.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN