Jake Cuenca fires back at netizen who called him a "liar"

by Bernie V. Franco
Sep 11, 2015
Sinagot ni Jake Cuenca ang netizens na sinisisi siya hinggil sa isyung pagkalasing at pagwawala ni Enrique Gil habang lulan ng eroplano papuntang London.

Tinawag na "sinungaling" at "adik" ng isang netizen si Jake Cuenca kaugnay ng pagtanggi ng Kapamilya actor na may kinalaman siya sa pagkalasing ni Enrique Gil habang nasa biyahe sila papuntang London noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga report na naglabasan, sina Jake at Paulo Avelino diumano ang nagbigay ng alak kay Enrique na naging dahilan ng sobrang pagkalasing nito at pagwawala sa loob ng eroplano.

Nasangkot sa pagwawala ni Enrique ang ka-loveteam niyang si Liza Soberano, ang aktres na si Jessy Mendiola, at ang TV host-actor na si Luis Manzano.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Sa panayam ng press kay Jake sa presscon para sa second season ng Pasion de Amor kahapon, September 10, itinanggi ng aktor ang akusasyon laban sa kanya at sinabing wala siyang kinalaman sa nangyaring gulo sa eroplano.

Tulog daw siya sa buong biyahe.

Continue reading below ↓

Read: Jake Cuenca on Enrique Gil's rumored drunken incident on London flight: "Malinis po ang konsensiya ko, hindi talaga ako involved."

Kaugnay ng isyung ito, isang netizen sa Twitter (@lizquen) ang tumawag kay Jake na "sinungaling", "adik", at "nanlalaglag ng kaibigan."

Base sa Twitter name ng netizen, posibleng supporter ito nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Sinagot naman ito ni Jake.

Sabi ng Kapamilya actor, “kahit kailan hindi ako nanlaglag ng kaibigan. Protectahan oo... Pero laglag? Never in my life. Be patient and truth will come out.”

@imlizquen kahit kailan hindi ako nanlaglag ng kaibigan. Protectahan oo... Pero laglag? Never in my life. Be patient and truth will come out

— Jake Cuenca (@ijakecuenca) September 11, 2015

“DON'T BE SO QUICK TO JUDGE.” Samantala, makahulugan din ang ipinost ni Jake sa kanyang Instagram account dalawang araw na ang nakalilipas.

Isa itong short video kung saan makikita siyang naglalakad.

Kuha ang nasabing video sa London, kung saan pumunta ang Kapamilya stars para sa ASAP 20 sa London.

Simula ni Jake sa caption, “Walking with no regret.”

Ani Jake, si Paulo Avelino ang kumuha ng video.

Continue reading below ↓

Sa comments section, isang netizen (@atzwill) ang pinaalalahanan si Jake na: “Karma is on its way.”

Sinagot naman ito ni Jake, at sinabing nangyayari lang ang karma kapag may ginawang mali ang isang tao.

“Don't be too quick to judge,” paalala pa ng aktor.

Sarkastiko rin ang mensahe ni Jake sa pagsasabing kapag kailangan ng “villain” ay siya ang ituturo.

Isa pang netizen ang nagkomento at sinabing ang mga kagaya nina Jake at Paulo ang “type of guys our moms warned us about?”

Sinagot ito ni Jake at sinabing marami siyang pagkakamali dati at natuto siya sa mga ito.

“But to be misinterpreted for something you didn't do and then be judged for that, it hurts.

“But hey, that's life... You gotta roll with the punches,” pahayag ng aktor.

ENRIQUE APOLOGIZES. Kaugnay pa rin ng isyung ito, nagbigay na ng public apology si Enrique ngayong gabi, September 11, dahil sa kinasangkutan niyang insidente.

Continue reading below ↓

Kinumpirma rin ng kampo ni Luis Manzano na mayroon ngang naganap na "altercation" ngunit nagkausap na raw ang lahat at nagkapatawaran na.

Read: Enrique Gil apologizes for drunken incident: “It’s the first and last time this will ever happen.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinagot ni Jake Cuenca ang netizens na sinisisi siya hinggil sa isyung pagkalasing at pagwawala ni Enrique Gil habang lulan ng eroplano papuntang London.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results