Michael de Mesa and wife back home for good

Michael de Mesa explains why he and wife Julie decided to come back home for good after being based in the U.S. for five years: “Grandkids are getting bigger. I want to be part of their lives, plus the fact na nahihirapan na rin kami ni Julie dun sa long distance. And of course expensive to travel like twice, thrice a year, so 'yon.”


Dito na sa Pilipinas maninirahan ulit for good ang batikang aktor na si Michael de Mesa at ang misis niyang si Julie.

“Nauna ako, dumating ako nung August 2, and then siya dumating siya last week,” banggit ni Michael nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Destiny Rose noong September 8.

Desisyon daw nilang mag-asawa na sa Pilipinas na manirahan ulit.

“Kasi andito ako most of the time, e. So siyempre, mahirap yung long distance.

"So we decided na dito na ulit kami. At least, we’re together," ani Michael.

Iniwan na rin ng misis ni Michael ang trabaho nito sa Amerika.

“She worked for this balloon company called Balloonzilla that designs and makes balloons for décor, mga parties or events,” banggit ng aktor.

Mahirap ba ang naging trabaho doon ng misis niya?

“It was hard. It was a hard job.

"Pero it was something along her alley 'coz she likes designing, so akma naman sa gusto niya.

"Pero mahirap, kasi very labor-intensive."

BACK TO SHOWBIZ. Dito sa Pilipinas ay balik sa pagsasayaw ang misis ni Michael na miyembro ng dance group na Hotlegs.

“She’s still with Hotlegs, she’s back to dancing,” sabi niya.

Pareho silang "balik-showbiz" ng misis niya.

Iniwan na rin nang tuluyan ni Michael ang trabaho niya sa Amerika.

“The last time, last year before Mark [Gil, his brother] passed away, my job was also in health care, pero hindi na siya ambulance service.

“I was working for a home health company, and I’ve marketed home health, home care in hospice [services]. Health care pa rin.

“And, yeah, I had to let go of that when I decided to come back here.”

Nahirapan ba siya sa pagtatrabaho sa U.S.?

“No naman... Well, hard in the sense na I was on the road all the time kasi marketing, so I go to different facilities in a day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DECIDING FACTOR. Ano ang nakapag-convince sa kanila na manirahan na sa Pilipinas for good matapos ang limang taong pamamalagi sa Amerika?

Ayon kay Michael, “Grandkids are getting bigger.

"I want to be part of their lives, plus the fact na nahihirapan na rin kami ni Julie dun sa long distance.

"And of course, expensive to travel, like twice, thrice a year, so 'yon.

“We were able to get our old condo back in Ortigas Center.”

Masasabi bang mas desisyon ni Michael ang pag-uwi nilang mag-asawa sa Pilipinas?

Tugon ni Michael, “Well, it was both of us, 'coz even Julie wanted to come back here.

“She missed dancing and, deep in her heart, that’s still what she wanted to do.

“Kumbaga, naintindihan niya and she gave her support to do what I love to do, and nakita ko yung pagka-miss niya sa pagsayaw niya.

“And gusto ko ring ibigay sa kanya yun na parang it’s something that she really loves to do, so 'yon.”

Natuwa raw ang mga anak niya sa naging desisyon ni Michael.

“They're very happy that we’re back.”

May tatlong anak si Michael sa dati niyang asawa na si Gina Alajar—sina Ryan, Geoff, at AJ Eigenmann.

Pareho nang may asawa sina Ryan at AJ, at si Geoff na lang ang binata.

BACK TO ACTING. Ang teleseryeng Once Upon A Kiss ang huling show ni Michael sa GMA Network bago siya napasama sa cast ng Destiny Rose.

Anim na buwan siyang napahinga sa pag-aartista.

Kuwento niya, “I went to the States, e, after Once Upon A Kiss. I was there for three months.

“Naglipat! Naglipat ng bahay, nag-empake, nag-prepare ng balikbayan boxes.”

Ang karakter ni Michael sa Destiny Rose ay nagngangalang Rosauro Armani Vitto.

Isa siyang bading at mentor ng pangunahing aktor na si Ken Chan, na gumaganap sa title role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN