Andrea Torres doesn't mind placing second to 2015 FHM Sexiest Woman Jennylyn Mercado

Andrea Torres asserts she's not resentful that Jennylyn Mercado emerged as the top pick in the recent FHM Sexiest Woman 2015 polls: “In fairness to Jen, nauna naman talaga siya sa akin, e. Tsaka di ba, malaking bagay na for me na nag-number two [ako]. Okay na yun.”


Itinanggi ni Andrea Torres na sumama ang loob niya dahil si Jennylyn Mercado ang nagwagi bilang FHM’s Sexiest Woman ng 2015 at number two lamang siya.

Laging nangunguna si Andrea sa bandang simula ng botohan, pero sa huli ay si Jennylyn ang itinanghal na Sexiest Woman.

Sabi ni Andrea, “Hindi naman, hindi naman.

“Tsaka sabi ko nga, kaya hindi rin ako nagsasalita pa nung... di ba, may time na nasa [number] one pa kami?

“Hindi ko siya kine-claim, kasi nga sabi ko, ang dami pang puwedeng mangyari dun sa ilang araw na yun.

"So, hindi naman po kami nag-expect."

Hindi raw siya na-shock at hindi rin nalungkot.

Dagdag pa ni Andrea, “Tsaka in fairness to Jen [Jennylyn], nauna naman talaga siya sa akin, e.

“Tsaka, di ba, malaking bagay na for me na nag-number two? Okay na yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa launch ng kanyang coffetable book noong Miyerkules, September 9, sa Romulo Café sa Quezon City,


BEING CHESTY. Dumalo ang ina ng Kapuso actress sa launch ng kanyang coffeetable book, ang Andrea: Road Trip.


Nang makita namin ang kanyang ina, biniro namin si Andrea na may pinagmanahan pala siya sa pagiging well-endowed.

Thirty-six cup D ang sukat ng boobs ni Andrea, at 36-24-36 ang vital statistics niya.

Natatawang sabi niya, “Sa family nga po namin, walang flat-chested.

"Sabi nga namin, pag hindi malaki, hindi part [ng family].

“Kasi lahat talaga ganun.”



BOOK. Dalawang araw nag-pictorial si Andrea sa Tagaytay para sa kanyang coffetable book.

Sa dinami-dami ng artista ng GMA Artist Center, si Andrea ang bukod-tanging ginawan ng ganitong klaseng proyekto, na naglalaman ng iba't iba niyang larawan na kinunan ng sikat na photographer na si Jay Tablante, at inilabas ng Summit/Rawr Books.

Saad ni Andrea, “Nagulat nga po ako, e! Nagulat ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung bakit, pero natuwa naman ako, kasi parang hindi siya usual na nangyayari talaga, e.”

Idinagdag ni Andrea na mabibili na sa bookstores at magazine stands ang Andrea: Road Trip.


Sa September 19, 2:30 P.M., magkakaroon siya ng book signing sa Summit Media booths sa Manila International Book Fair sa SM Mall of Asia Complex, Pasay City.

Sa presscon proper, itinanong namin kay Andrea, “Halimbawang photographer ka, sinong male star ang igagawa mo ng photo book?”

Natatawang sagot niya, “Si Mikael [Daez, ang kanyang onscreen partner]!

“Kasi sa kanya ako kumportable. Mamanduhan ko siya bilang photographer.”

Ano ang ipapasuot niya kay Mikael?

“Yung [costume ng] Awok, para kasama pa rin ako,” ngiti ni Andrea.

Gumanap bilang Awok (taong nagiging baboy damo) si Andrea sa Ang Lihim Ni Annasandra na pinagsamahan nila ni Mikael sa GMA noong Oktubre ng nakaraang taon.



GETTING CHATTY WITH MEGAN. Natanong din namin si Andrea kung close sila ni Megan Young, ang napapabalitang girlfriend ni Mikael.

With A Smile and Sana Ay Ikaw Na Nga, they’ve impressed and touched their audiences with their undeniable chemistry. Now, they venture on Blood In Dispute, a - See more at: http://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/articles/2015-04-30/15222/Andrea-Torres-reveals-why-her-love-team-with-Mikael-Daez-works#sthash.uYbyfmOL.dpuf
With A Smile and Sana Ay Ikaw Na Nga, they’ve impressed and touched their audiences with their undeniable chemistry. Now, they venture on Blood In Dispute, - See more at: http://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/articles/2015-04-30/15222/Andrea-Torres-reveals-why-her-love-team-with-Mikael-Daez-works#sthash.uYbyfmOL.dpuf

Sagot niya, “Hindi po masyado, e.

"Pero pag nakikita ko po siya, nagkakakuwentuhan naman [kami].

"Pag kausap ko siya, sobrang makuwento naman siya, nice naman siya.

“Pero mga twice ko pa lang siyang nakikita, e.”

Wala naman daw nararamdamang selos mula kay Megan si Andrea kahit sila ni Mikael ang magka-loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaghiwalay muna ang tandem nina Andrea at Mikael.

Si Mikael ay ka-love triangle nina Jennylyn at Dennis Trillo sa My Faithful Husband ng GMA.



NOT JEALOUS OF MAX. Nagseselos ba si Andrea kay Max Collins, leading lady ni Sef Cadayona sa Juan Tamad?

Si Sef ang napapabalitang boyfriend ni Andrea, pero pareho silang walang inaaamin.

Mabilis na tumanggi si Andrea.

“Lagi nga kaming magkatabi sa Bubble Gang, sa dressing room.”

Napagkukuwentuhan ba nila ni Max si Sef?

“Hindi rin. Tsaka wala namang reason para magselos ako.

"Friends lang naman kami, close friends," diin ni Andrea.

Ilang taon na ba silang friends ni Sef?

“Matagal na,” sagot ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN