Katrina Halili more cautious about falling in love again: “Ayoko nang mapunta sa maling tao.”

Katrina Halili on falling in love again: “Ayoko nang mamalimos! Ayoko na nun. Tao rin ako, hindi naman ako aso. Yun ang na-realize ko.”


“Ayoko nang mamalimos!”

Ito ang natatawa pero tila seryosong litanya ni Katrina Halili tungkol sa pagkakaroon muli ng relasyon nang tanungin siya tungkol dito ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] at ilang GMA TV reporters sa presscon ng bago niyang serye, ang Destiny Rose, noong September 8 sa 17th Floor ng GMA-7.

“Ayoko na nun. Tao rin ako, hindi naman ako aso. Yun ang na-realize ko,” dagdag niya.

Namalimos ba siya ng pag-ibig?

“Hindi n'yo naman alam, di ba? Hay naku,” sagot ni Katrina.

NOT RUSHING TO FIND LOVE. Wala daw nanliligaw sa kanya ngayon kaya okey lang para kay Katrina na ang anak niya lang ang pinagtutuunan niya ng pansin bukod sa trabaho.

Handa ba ang aktres kung may manligaw sa kanya?

“Bakit hindi, di ba? Pero hindi na nga kasi talaga ko nagmamadali. Ayoko na. Kasi, mali na naman.

“Ayoko nang mapunta sa maling tao. Magpi-pray ako nang hard.”

“Siyempre, gusto ko rin magkaroon ng partner next time.

“Hindi naman ako nagmamadali. Kapag siguro ilang taon na 'ko [sasabihin ko sa sarili ko], 'Ay sandali, hindi muna 'ko magsu-showbiz, maghahanap muna 'ko [ng partner], ha?'"

Biro pa ni Katrina, “Sandali, hindi ako makahanap dito, puro work, e. Kapag tick-tock na ang clock ko.”


ZERO LOVELIFE. Wala raw talaga siyang lovelife ngayon simula noong magdesisyon siyang makipaghiwalay kay Kris Lawrence, ama ng kanyang anak na si Katie.

Sabi ni Katrina, “Nasa bahay lang ako or sa mall kasama ko ang anak ko. Hindi ako gumigimik.”

Wala na ba siyang feelings para kay Kris?

“Friends,” maagap na sagot ni Katrina.

Bakit nawala na lang talaga?

Tugon ni Katrina, “Kapag wala, wala na talaga, e.

“At saka mas okey talaga kaming magkaibigan. Noong kami, palagi kaming nag-aaway.

“Hindi kami nagkakasundo. May mga bagay na... magkaiba kami ng personality.

“Hindi kami nagdya-jibe. Mas okey na rin na ganito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FULL SUPPORT FROM KRIS. Paano kaya tatanggapin ni Katie ang katotohanang hiwalay na ang mga magulang niya?

Sagot ni Katrina, “Siguro kapag natanong na niya. Wala pa rin, e.

“At saka, magti-three pa lang siya. At saka, ano ba ang tatanungin niya, na wala ang papa niya? Paghahandaan ko yan.

“Kahit naman kasi dati, noong kami, hindi naman siya [Kris] run nakatira, pumupunta lang siya. Kasama ko ang mga pinsan ko sa bahay, e.”

Bilang ama, hindi daw nagkukulang si Kris kay Katie.

Ayon kay Katrina, “Nagbibigay naman po siya ng support. Kapag may time naman po siya, nagbibigay naman siya ng time kay Katie.”

HAYDEN-VICKI. Sa isang banda, born-again Christian si Katrina, pati na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, na kailan lang ay muli nang nagkaayos matapos ang matagal na hidwaan.

Matatandaang nag-ugat ang hidwaan noong nagkaroon ng sex video sila Katrina at Hayden. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act ni Katrina si Hayden. Dahil dito, nawalan ng medical license si Hayden, ngunit naibalik din ito sa kanya.

READ: Katrina Halili still wants Hayden Kho in jail


Parang nabalita noon na minsan ay magsasama-sama silang tatlong mag-church.

Natuloy ba yun?

Pagklaro ni Katrina, “Hindi po. Saka unang-una, magkaiba po kami ng church.

“Pangalawa, hindi na po kailangang magpakita kami sa mga tao na magkasama kami sa church, di ba?

“Na-heal na namin yung hatred namin sa isa’t isa. Hindi na namin kailangang ipakita sa mga tao na nag-church kami. Para sa amin, okey na.

“Hindi na namin kailangang ipakita sa mga tao na okey kami. Sa puso namin, okey kami. Sa mata ng Diyos, okey kami. Hindi importante yung sa mata ng tao.”

NEW ROLE. Nag-eenjoy si Katrina sa karakter niyang Jasmine Flores, pinsan ni Destiny Rose [na ginagampanan ni Ken Chan] sa GMA 7 teleserye na Destiny Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nae-enjoy ko. Ang ganda ng kuwento. Sana lang abangan at magustuhan ng mga tao, kasi ang ganda talaga at ang galing po nila,” pahayag ni Katrina.

Tinanong rin namin ang si Katrina kung ano ang masasabi niya na si Jaclyn Jose ang gumaganap na Angelica Santibañez, ang karakter na noon ay pinasikat niya [Katrina] sa Marimar.

Mabilis na sagot ni Katrina, “O, ano naman ang mase-sey ko? E, si Ms. Jaclyn Jose ang gumaganap dun. Bonggang-bongga, di ba?”

Pabiro naming tinanong si Katrina kung humingi ng pointers sa kanya ang award-winning actress.

“Uy! Maloka naman ako, tatambling ako!” natatawang sagot ni Katrina.

“Actually, iniba po nila ang story at hindi kailangang i-compare.

“Actually, hindi naman po kailangang i-compare kasi, magkaiba rin kami ng personality.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN