Yassi Pressman admits auditioning for Bea Bianca role in Pangako Sa 'Yo

Yassi Pressman maintains friendship with James Reid and Nadine Lustre: “Nagkikita pa rin kami after work, kadalasan madaling-araw. Wala kasi kaming free day. Nagkikita kami sa coffee shop, kung saan po yung location. Like the other day, nagkita-kita kami, nasa Banawe kami ni Andre [Paras], sila nasa set ng On The Wings of Love.”


Hindi lamang ang kanyang newly-released self-titled album sa Viva Records ang napag-usapan sa press launch nito dahil naging accommodating si Yassi Pressman sa mga tanong ng entertainment press.

Hindi nagdalawang-isip si Yassi na aminin na nag-audition siya noon para sa role ni Bea Bianca, ang third wheel sa mga karakter nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Pangako Sa 'Yo ng ABS-CBN.

Sabi niya, “Oo nga po, kumalat ‘yon.

“Parang minsan nagigising ako, nagti-trend sa Twitter, ‘Yassi for Bea Bianca.’

“Yung Pangako Po Sa ‘Yo, nakapag-audition ako diyan.

“Hindi ko alam kung paano lumabas [ang balita], pero lumabas po siya.”



FRIENDSHIP WITH JADINE. Napag-usapan din ang friendship ni Yassi kina James Reid at Nadine Lustre, na nakasama niya sa mga pelikulang Diary Ng Panget at Talk Back And You’re Dead.

Ayon kay Yassi, “Nagkikita pa rin kami after work, kadalasan madaling-araw. Wala kasi kaming free day.

“Nagkikita kami sa coffee shop, kung saan po yung location.

“Like the other day, nagkita-kita kami, nasa Banawe kami ni Andre [Paras], sila nasa set ng On The Wings of Love.”

Dagdag niya, “Hindi nagbabago sina Nadine at James, kumbaga napapagod lang.”



DEBUT ALBUM. Masaya naman si Yassi na nagkuwento tungkol sa kanyang debut album.

Aniya, “We were conceptualizing this whole album, kung paano namin ilalabas, kung paano namin gagawin.

“And I was guided by so many amazing people, mga nagsulat ng songs.

“And meron din isa na ako ang co-writer, ang ‘Possibility of You and Me,’ isa rin experiment, an experience.

“And I’m super super blessed na binigyan ako ng ganitong chance.”

Patuloy ni Yassi, “Featured artist sa album ko sina Nadine at Andre.

“Gusto ko lang talaga kumanta, ngayon meron nang album.

“Mabilis lang ang recording, pero yung pagpaplano, yun ang medyo matagal. Siguro mga six months.”



HER PET DOGS. Nagkuwento rin si Yassi tungkol sa kanyang mga alagang aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dalawa na po sila na mga angels ko. Cute sila.

“Kahit saan po, if I don’t have work, dala-dala ko sila.

“Sobrang love ko sila.

“Hindi po sila sumasagot. Tahimik lang sila.

“Tapos sumusunod naman sila kung nasaan ako.

“Yung dogs ko, sobrang love na love ko.

“Kapag kunwari yung sister ko [Issa Pressman], sabi ko, 'Kunwari saktan mo ako.'

“Tumatakbo siya [her pet dog], kinakagat niya si Issa. Sine-save niya ako.”

“My dogs!” ang natatawa na sagot ni Yassi nang itanong sa kanya kung sino ang mas loyal—ang pet dogs niya o ang ex-boyfriend na si Sef Cadayona.



HER NEW BUSINESS VENTURE. Nalaman din namin mula kay Yassi na mayroon siyang pag-aaring restaurant.

“Tipsy Pig sa The Fort with partners. For a month nang open, second branch siya.

“Mga partner ko po sina Bela Padilla, Tita Marjorie Barretto… marami po kami.

“Bago lang po yung Fort branch, pero palagi kaming puno ng customers.

“Sa Burgos Circle ang location niya.

“Once a week pumupunta ako doon. Kung kaya ng schedule, twice a week.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN