Toni Gonzaga downplays marriage-related rumors: “Wala naman kasi talagang issue.”

Toni Gonzaga chooses not to magnify rumors about her married life: “I think we should just let it go, kasi the more you talk about it, the more you magnify the issue. You just shrug your shoulders and 'wag mong bigyan ng time. We don’t really wanna talk about it, dahil baka i-magnify pa, palakihin pa ng ibang tao, so 'wag na lang.”


Isa sa isyung ipinupukol ngayon sa mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano ay ang problema raw sa pera na minsang pinag-awayan nila diumano.

Kataka-taka ang mga haka-hakang ito dahil may sariling ipon ang TV host-actress sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa showbiz, at galing naman sa isang mayamang pamilya at isang kilalang direktor si Paul.

Ayon kay Toni, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang event ng Tiffany and Co. noong September 9, hindi na lang niya ipinaalam pa sa asawa ang mga isyung lumalabas tungkol sa kanila, lalo’t alam niyang pribadong tao ito.

Sabi niya, “Ayaw niya ng mga issues.

"Anything that involves our married life, he just wants to keep it private as much as possible. Sa amin lang.”

Diin pa ni Toni, “Wala naman kasi talagang issue.

"Any issue about us, di ko na lang inu-open sa kanya.

"Baka lang siya ma-stress."

Ayon kay Toni, hindi na lang niya pinapansin ang mga lumalabas na isyu sa kanilang mag-asawa lalo’t anumang sabihin niya ay maaaring palakihin lang ng ibang tao.

“I think we should just let it go kasi the more you talk about it, the more you magnify the issue.

“You just shrug your shoulders and huwag mong bigyan ng time.

"We don’t really wanna talk about it, dahil baka i-magnify pa, palakihin pa ng ibang tao, so huwag na lang,” saad niya.

Nauna nang dumepensa sa isyu ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.

Kuwento nga ni Toni, ang kapatid ang tumawag sa kanya para ipaalam ito.

“Kaya nga, nakakagulat, tumawag siya sa akin, 'May issue ka pala ngayon.'

“Sabi ko, 'Oo nga raw, huwag na nating ipaalam kay Paul. Secret na lang.'”

BABY PLANS. Tinanong namin si Toni kung kailan nila planong magkaanak ni Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kaibigan niyang si Bianca Gonzalez ay malapit nang manganak, samantalang si Mariel Rodriguez naman ay malungkot pa rin dahil sa pangalawang miscarriage nito.

Sagot niya, “In the next two years pa siguro.

"Workout nga ako nang workout ngayon. I wanna enjoy our married life muna, kaming dalawa lang.

“Si Bianca, actually kabuwanan na niya this coming October, bago mag-Big Night ng PBB.

“Si Mariel, pinag-usapan nga naming ni Direk Lauren [Dyogi], we’re really praying for her right now because she’s really going through really hard time.

“We’re just praying na ma-surpass nilang mag-asawa itong bagong trial na pinagdadaanan nila.”

SEXY OUTFITS. Marami ang nakakapansin na sexy at revealing na ang mga isinusuot ni Toni kapag naghu-host siya sa PBB. Hindi kaya ito pagselosan ng kanyang asawa?

Depensa naman ni Toni, “Kasi, di ba, sabi nga, once you get married, you shouldn't forget to take care of yourself also.

“Dapat di mo lang inaalagaan ang asawa mo, you should also take care of yourself.

“Alam ko naman ang limitasyon ko. He seems okay naman with my outfits.

“I don’t ask permission anymore, kasi alam ko naman ang mga limitasyon when it comes sa mga susuutin ko.

"As long as it’s not revealing, okay na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN