Jeric Gonzales proud of kababayan Alden Richards: “He deserves what he has right now.”

Jeric Gonzales says he has no reason to be envious of kababayan Alden Richards's success: “Napakabait ni Alden. Para ma-insecure ka, wala kang makikitang ganun. At saka, sa career, he deserves naman. Kung hindi siya karapat-dapat dun, siguro dun ako medyo magkakaroon ng insecurity.”


Si Jeric Gonzales ang isa sa magbibigay ng suporta kay Ken Chan sa pagbibidahan nitong teleserye, ang Destiny Rose, na ipalalabas na simula sa Lunes, September 14.

Si Jeric ang nanalo sa Protégé: The Big Artista Break at nakapagbida na rin kasama ang ka-loveteam niyang si Thea Tolentino.

Pero sabi nga ni Jeric, wala naman kaso sa kanya kahit na suporta siya ngayon kay Ken.

“Okey lang, kasi I trust my network.

“Kung si Ken ang nakita nilang may edge sa character at may kayang hawakan ‘to, wala namang problema yun.

“At masaya ako na nakasama ako rito.”

Inamin naman ni Jeric na isa rin siya sa Kapuso actors na nag-audition para sa naturang lead role.

“Nag-audition ako dun. Tatlo na nga lang kaming natira.

"Ibinigay ko yung best ko, pero ang laki ko talaga!" natawang sabi niya.

Nang malaman daw niyang hindi siya ang natanggap sa karakter na isang transwoman, nanghinayang din siya.

“Siyempre nakakahinayang din, nakakalungkot.

"Nag-expect din naman ako na magkaroon ng lead role rin.

“And napakaganda pa nitong role, first time na gagawin ‘to.

"Pero yun, sabi nga, siguro may iba pang role na bagay sa akin," sabi ni Jeric.



ON ALDEN'S PHENOMENAL POPULARITY. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric kung ano ang nararamdaman niya sa kasikatang tinatamasa ngayon ng kapwa niya Kapuso na si Alden Richards.

Sina Jeric at Alden ay parehong nanggaling sa isang male beauty pageant sa Laguna.

Pero ngayon, masasabing si Alden ang pinakasikat at pinakaimportanteng Kapuso star.

Sabi ni Jeric tungkol, “Sobrang proud ako na kababayan niya.

“Ever since naman na pumasok ako ng Protégé, sinasabi ko nang siya ang isa sa gusto kong tularan sa path ng career.

“Kasi, from Ginoong Sta. Rosa, Ginoong Laguna, tapos dito, yung career niya, talagang grabeng pinaghirapan niya.

“He’s a good man. Magaling siyang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ayun, masaya ako, proud ako.

"Someday, gusto kong maging katulad din niya."

Kahit naunang pumasok sa pag-aartista si Alden, kahit paano ay nakukumpara rin sila ni Jeric dahil pareho sila ng pinanggalingang lalawigan.

Hindi ba nakakaramdam ng inggit si Jeric kapag nakikita niya ito?

Sagot niya, “Wala, e. Napakabait ni Alden.

“Para ma-insecure ka, wala kang makikitang ganun.

"At saka sa career, he deserves naman.

“Kung hindi siya karapat-dapat dun, siguro dun ako medyo magkakaroon ng insecurity.

"Pero he deserves what he has right now."

Sa pagkakakilala naman daw ni Jeric kay Alden, sa palagay niya ay hindi ito magbabago ng ugali.

“Nakilala siya na mabait na artista naman, so sana hindi.

"At sa tingin ko, hindi naman.

“And he’s a family person naman.”

Isa rin ba siya sa mga artistang nanonood ng Kalyeserye ng AlDub sa Eat Bulaga?

Natatawang pag-amin ni Jeric, “Oo minsan!

“Ano, e, kapag nanonood ka ng AlDub, kahit sinasabi mong hindi ako maaano rito... hindi ako mata-touch, hindi ako kikiligin...

“Kapag nanonood ka talaga, hindi mo mapapansin na mapapangiti ka na lang.

"Nadadala ka na lang bigla, so magaling talaga."



CAREER PRESSURE. Sa isang banda, inamin ni Jeric na mas matindi ang pressure ngayon na may mapatunayan din sa kanyang career.

“Mas grabe yung pressure, kasi siya [Alden], wala naman siyang... parang hindi siya sumali ng talent search at nanalo.

“Kumpara sa akin na may title ako, yung expectation ng network and everybody.

"So, nandun pa rin ang malaking pressure."

Paano niya hina-handle ang naturang pressure?

Ayon kay Jeric, “I handle it in a way na hindi ko siya masyadong sineseryoso.

“Parang half lang, para ma-motivate ako, at yung half, para hindi ako ma-discourage sa field na ‘to.

"Ito kasi ang gusto ko. Straightforward lang.

“Sa lahat ng proyekto, gagawin ko lang lahat ng best ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN