Daniel Matsunaga on girlfriend Erich Gonzales: “She has everything.”

Daniel Matsunaga says Erich Gonzales is also beautiful inside: “Kasi, si Erich, she’s ano... lalo na yung inside person niya. Talagang sobrang lambing and sobrang caring. Not just to me but also caring to my family, especially to my Mom. My Mom really loves her already.”


Pinatunayan nila Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na puwedeng pagsabayin ng isang artista ang masayang personal life at successful showbiz career mula nang ibahagi nila ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng kanilang Instagram accounts.

Tila marami silang nahahawa at nai-inspire sa kanilang kaligayahan.

At pinagkakatiwalaan pa sila ng ABS-CBN na magbida sa teleseryeng pinamagatang Be My Lady, na malapit nang mapanood sa Kapamilya network.

Sinabi ni Daniel sa taping ng Be My Lady sa Clark International Airport sa Angeles City noong September 10 na sobra siyang nagpapasalamat sa lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa kanya.

“Ito ang first leading role ko, di ba? Talagang super honored and super thankful ako sa management ko for giving me this opportunity.

“At siyempre, kasama si Erich, so 'yan, 100,000% more thankful.”

May naririnig pa kaming nabuo ang kuwento ng Be My Lady dahil sa team-up nila Daniel at Erich.

“Love story siya,” pag-amin ng aktor.

Mas madali raw para kay Daniel ang magtrabaho ngayon kasi kapareha niya ang totoong girlfriend niya.

“Mas comfortable kami sa isa’t isa, at siyempre, we’re more confident, and it helps a lot sa lahat.

“It’s the two of us, pero the rest also, like Direk Theodore Boborol, lahat are in good mood. Yung crew rito, ibang cast... sobrang saya at sobrang nakakatawa sila.

“Lalo na ang No Direction [a comedy trio], sobrang grabe.”

NOT YET ENGAGED. Nagulat daw si Daniel nang tanungin siya kung engaged na sila ni Erich dahil ilang buwan pa lang daw ang relasyon nila.

“Hindi pa po engaged. Pero in Jesus's name, one day.”

Nabanggit ni Daniel na pangarap niyang ang susunod na maging ka-relasyon ay isang babaeng pwede niyang pakasalan at makasama habang buhay.

Si Erich na kaya yun?

“Of course, of course. Kapag nakipagrelasyon ka naman, di ba?” sagot ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit bago pa lang sila, napapag-usapan na ba nila Daniel at Erich kung sila nga ang magkakatuluyan, o kung ilang taon nila nakikita ang relasyon nila bago magpakasal?

“Well, we haven’t really spoken about dates. Pero siyempre, if you’re together, there’s always a plan.

“But we haven’t spoken about dates, like one year, two years... because you’ll never know. You have work, you have many things going around.

“But we will keep it to ourselves muna,” pakli ni Daniel.

ENDEARING TRAITS. Halos perpekto ang tingin ni Daniel kay Erich.

Inamin niyang noon pa man ay crush na niya ang dalaga.

“Nakita ko in Erich ang lahat ng kailangan ko sa buong buhay ko po.

“She has all the good qualities that I look for in a woman. She’s very God-fearing and very close to my family, so that’s very important.

“She has everything,” pagmamalaki ni Daniel.

Hindi raw siya tumitingin sa panlabas na ganda lang ng babaeng mamahalin niya.

Sabi pa ni Daniel, “For her, it’s a combination ng lahat po.

“Kasi, si Erich, she’s ano... lalo na yung inside person niya. Talagang sobrang lambing and sobrang caring, not just to me but also caring to my family, especially to my mom.

"My Mom really loves her already.”

GETTING BETTER.” Paano ilalarawan ni Daniel ang relasyon nila ni Erich?

“Para po sa akin, going stronger everyday po.

“Siyempre, we learn from our mistakes.

“Every day that we see each other, there’s something new that’s coming to our relationship and something that I always learn from her and she probably learns from me as well, di ba?

“We share yung mga stories, and that’s how you learn with your relationship and you go stronger everyday po.

“So for me, we’re really getting better and better.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga pinag-aawayan ba sila ni Erich?

Ayon kay Daniel, “Hindi away, pero siyempre, we talk.

“We talk a lot, especially during those times na we have something, like we have stress, work and everything.

“Pero siyempre, the best thing is the way we do it: talking and fixing things.

“And if you have God in your relationship, as the center of your relationship, everything goes right.”

GETTING TO KNOW EACH OTHER'S FAMILY. Masaya si Daniel dahil malapit si Erich sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina.

Nakikilala na rin ni Daniel ang mga myembo ng pamilya ni Erich, na karamihan ay naka-base sa Davao.

Saad ni Daniel, “It takes time, you know. For a relationship, it really takes time for you to learn everything about the person and also, her family, di ba?

“Most of her family are from Davao. Siyempre, noong umpisa, nahihiya ako to ask, 'How’s your sister, your mom?'”

May plano raw silang magpunta sa Japan in October at doon daw makikilala ni Daniel ang kapatid ni Erich.

Makikita sa aura nila ni Daniel at Erich kung gaano sila ka-in love sa isa’t isa.

Masarap bang ma-in love?

“Opo, masarap po. Masarap pong ma-in love sa kanya,” pagmamalaking pahayag ni Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN