Erich Gonzales names Daniel Matsunaga's most admirable trait: “Man of God siya.”

Erich Gonzales admires boyfriend Daniel Matsunaga's God-fearing ways: “Marami po siyang katangian talaga. Pero ang pinaka-ano sa akin, sobra, man of God siya. Doon po ako ano talaga. He brings me closer to God. We go to church kasama ang pamilya niya. We read the Bible kaya mas napapalapit po talaga kami sa Diyos.”


Sanay nang mapanood ng mga TV viewers si Erich Gonzales sa isang serye kunsaan may ka-loveteam siya.

Pero sa unang pagkakataon, ngayon pa lang mangyayari na ang kapareha niya sa serye ay ang real-life boyfriend niyang si Daniel Matsunaga.

Sila ni Daniel ang lead stars ng bagong Kapamilya serye na pinamagatang Be My Lady.

Mapapansing tila hango ang storyline ng serye sa totoong kuwento nila, dahil ayon sa kuwento, si Daniel ay isang foreigner na na-in love sa isang Pinay.

Nang makausap namin si Erich sa taping ng Be My Lady sa Clark International Airport, Angeles City noong September 10, sinabi niyang malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil binigyan sila ni Daniel ng sariling serye.

Pero hindi rin daw maiaalis sa kanya na kabahan siya.

“Nagpapasalamat po kami sa management dahil pinagkatiwalaan kami ng ganitong project.

“Siyempre, nandun ang kaba dahil first team-up namin [ni Daniel] after Two Wives.

Nanibago raw si Erich na ang kapareha niya ngayon ay ang real-life boyfriend niya.

“Siyempre po, sa umpisa, nakakapanibago. First time kong makatrabaho [si Daniel] sa totoong buhay, pero swabe lang, smooth lahat.”

STILL GETTING TO KNOW EACH OTHER. Naniniwala ba si Erich sa “forever”?

“Basta, everything happens for a reason po and in God’s time, in His way,” sagot ng aktres.

Habang tumatagal daw, mas lalo pang nakikilala nila Daniel at Erich ang isa't isa.

“Siyempre, the more mong nakakasama ang isang tao, the more na nakikilala mo siya. Parang ganun yung sa amin, getting-to-know pa rin.

“Tapos, nandun yung adjustment.

“Palaging nandun ang respeto, yung tiwala. At siyempre, sa trabaho namin, kailangan talaga understanding ka sa lahat ng bagay,” patuloy ni Erich.


MAN OF GOD. Anong masasabi ng dalaga sa mga naging pahayag ni Daniel na nagustuhan niya si Erich dahil parang “perfect woman” siya sa paningin nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Salamat naman at naa-appreciate niya ko.

“Nakakatuwa naman, salamat. Siya rin naman po.

“Marami po siyang katangian talaga. Pero ang pinaka-ano sa akin, sobra, man of God siya. Doon po ako ano talaga.

“He brings me closer to God. We go to church kasama ang pamilya niya. We read the Bible kaya mas napapalapit po talaga kami sa Diyos,” pagmamalaki ni Erich.

Si Daniel na ba ang nakikita niyang makakasama habang buhay?

“Sa totoo lang, hindi po natin masabi 'yan. Only God knows what will happen in the future.

“Kung tayo ang gusto ng Diyos para sa isa’t isa, e di tayo,” pahayag ni Erich.

MORE OPEN WITH RELATIONSHIP. Bago naging sila ni Daniel, nagkaroon ng ilang taong relasyon sa non-showbiz guy si Erich.

Pero ni minsan, hindi niya ito ipinakilala o ibinahagi sa publiko. Kaya't masasabing malaki ang ipinagbago ni Erich pagdating sa relasyon nila ni Daniel dahil mas open na ito sa lovelife niya.

Mas “liberating” ba ang pakiramdam na wala siyang itinatago ngayon?

Mabilis ni pag-amin ni Erich, “In a way, opo. Kapag masaya ka, masaya rin na i-share mo sa ibang tao, yung wala kang itinatago, ganyan.

“Tapos yun, masaya lang,” nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN