Christian Bautista prefers to keep his lovelife more private: “I think that works for me.”

After being more public with his two previous relationships, which didn't work out, Christian Bautista has resolved to be more private with his next lovelife.


Aminado si Christian Bautista na lumampas na siya sa kanyang ideal age kung kailan niya balak magkapamilya.

“Ang timetable ko, 30 [years old] pero 33 na ako, so lumampas na.

“Pero I’ve been dating. I just don’t tell the press or anyone about it.

“Kasi I decided to just let that side be private.

“From the past relationships na public, parang [I’ve] learned from it na ipa-private ko na lang.

"I think that works for me,” ani Christian, na naging ex-girlfriend sina Rachelle Ann Go at ang Romanian-Chinese actress-host na si Carla Dunareanu.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Christian sa STAGES Sessions, isang acoustic singing session, na ginanap sa 26th Bistro Coffee Bean & Tea Leaf, sa BGC The Fort, Taguig City, nitong Linggo, September 14.

Inusisa rin ng PEP si Christian kung exclusively dating ba siya ngayon, pero naging mailap siya.

Aniya, naging kumplikado ang past relationships niya dahil naging mas public siya.

Kaya naman nais niyang maging pribado sa pagkakataong ito.

“Some people can do it, some people can’t.

"Like, there are some celebrities who don’t talk about it, pero makikita mo naman, like sa Instagram nila, or parang they go around public places.

“Parang mas ganun ang route na gusto kong gawin, rather than [talk publicly about it].”

Sa tanong kung kailan niya balak lumagay sa tahimik, sagot ni Christian, “I believe I’m gonna get married someday, I just don’t know when.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN