Betong Sumaya's Antonietta pokes Wally Bayola's Lola Nidora: "Sana magkaroon kami ng chance na magkaharap at magkalaban talaga."

Despite his comedic characterization of Antonietta in Bubble Gang, Betong Sumaya takes his acting seriously. He says, “Iba, kasi kontrabida ako ng mga kontrabida sa mga telenovela... binabasag ko ang mga cliché at ang mga nangyayari sa mga telenovela. Na parang ang ipinanggagalaiti niya ay pinaglololoko ang mga televiewers, e, gusto niyang bigyan ng linaw yun."


Kuwela ang paggi-guest ni Betong Sumaya sa Sunday Pinasaya noong Linggo, September 13.

Siya at si Mae Bautista ang nakasama ni Marian Rivera sa comedy segment nitong “Judge MD,” kung saan ang naging eksena ay nag-aaway sila dahil sa eskinita.

Girl ang kanyang character, pero hindi bilang si Antonietta na kinaaaliwan ng marami sa Bubble Gang.

Para kay Betong, iba pa rin kapag character ni Antonietta ang ginagawa niya.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Iba, kasi kontrabida ako ng mga kontrabida sa mga telenovela.

“At siyempre bilang si Antonietta, binabasag ko ang mga cliché at ang mga nangyayari sa mga telenovela.

“Na parang ang ipinanggagalaiti niya ay pinaglololoko ang mga televiewers, e, gusto niyang bigyan ng linaw ‘yon.

“At napakagandang role!"



SLAP HAPPY. Sino nga ba ang sinasampal at ang sinasabunutan ng mga kontrabida?

“Hmmm… si Antonietta!

“At napakasarap ng feeling na sinasampal ako ng mga kontrabida… sino ba naman ang hindi matutuwa?

“I’m very proud to say na nasampal na ako ni Cherie Gil, Jaclyn Jose, Celia Rodriguez, Chanda Romero, Odette Khan… ang dami!”

Sino naman ang pinakamalakas manampal sa mga nakaeksena ni Antonietta?

“Naku, si Gladys Reyes, siya talaga ang pinakamatindi so far!” tawa ni Betong.

Kanino naman siya kinabahan nang husto bago ang eksenang pagsampal sa kanya?

“Ay, si Celia Rodriguez at saka si Cherie Gil... mga ano ‘yan, e, mga beterana na talaga.

“Pero mababait sila, sobrang supportive, at nakakatuwa na talagang alam mo na sinusuportahan ka nila sa eksena ninyo.”

LONGEVITY. Two years nang ginagawa ni Betong ang character na Antonietta sa Bubble Gang.

Aniya, “Yes, at thankful ako!

“Dahil sa character ko ay nakakabiyahe ako sa ibang bansa para sa GMA Pinoy TV.

“Nakapunta ako ng USA at saka Canada kaya thank you!”

Ano o sino ang naging peg niya para sa karakter ni Antonieta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually ang peg talaga niyan, si Mr. Asimo, e,” pagtukoy niya sa character na pinasikat din ni Michael V. sa Bubble Gang.

“Pero kasi si Kuya Bitoy dun, mataray, e.

“Ito naman si Antonietta, mataray na babae na kontrabida na, in a way, kailangang funny din.

“So, ang naging peg ko ay ang pagiging mataray ni Kuya Bitoy as Mr. Asimo.”

Habang tumatagal ba ay napi-pressure siya kaugnay ng longevity na puwede niyang magawa sa kanyang character as Antonietta?

“Oo, siyempre kasi kailangang ma-sustain mo siya.

“Pati yung excitement ng mga tao, ma-build up palagi.

“Kaya nga yung mga nagiging guest ni Antonietta, talagang mabibigat na kontrabida.”



LOLA NIDORA FAN. Sa ngayon, ang pinakabagong kinaaaliwan ng marami ay ang karakter ni Wally Bayola bilang si Lola Nidora sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, kung saan bidang-bida at talagang inaabangan ang tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub.

Hindi ba threatened si Antonietta kay Lola Nidora?

Sabi ni Betong, “Ako, sobrang fan talaga ako ng Lola Nidora.

“Actually hindi threatened dapat… mas maganda nga na mas maraming mga characters na nabubuo sa TV.

“At least dumadami yung mga aabangan ng mga televiewers, so okey lang siya.

“Sana nga magkaroon ng time na magkasama kami sa eksena, masaya ‘yon, di ba?”

Hindi rin daw niya nakikita na kakumpitensiya ni Antonietta si Lola Nidora.

“Hindi competition kasi sa TV naman talaga, maraming characters na nabubuo, they come and go.

“Yung Antonietta, two years na, pero si Lola Nidora, iba, e, iba ang dating.

“So, ang saya, sana magkaroon kami ng chance na magkaharap at magkalaban talaga.”



ALDUB FEVER. Kararating lang ni Betong galing New York, kung saan nag-show siya para sa GMA Pinoy TV kasama ng iba pang Kapuso stars.

Kuwento niya, “Ang saya!

"Soldout na soldout yung concert kaya sobrang happy kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama ko sina Ai-Ai delas Alas, Dingdong Dantes, Christian Bautista, si Julie Anne San Jose, at marami pa pong iba.”

Ramdam na rin daw doon ang init ng AlDub fever narlaging pinag-uusapan araw-araw dito sa Pilipinas.

“Ay, oo… sobra! Hinahanap na sina Alden dun at si Yaya Dub.

“Isipin mo, USA na ‘yon, ha, pero ang lakas na rin ng following nila doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN