Alden Richards asks AlDub fans to avoid bashing other loveteams: "Kiligin na lang tayo nang sabay-sabay."

Alden Richards on his blockbuster mall shows: "I mean, when I do mall shows po outside of GMA, yung mga mall shows here and outside Metro Manila, naging iba po yung recognition ng mga tao sa akin. I mean, very unexpected."


Muling iginiit ni Alden Richards na ang tambalan nila ni Maine Mendoza o Yaya Dub, ang AlDub, ay hindi nakikipagkumpitensiya sa ibang loveteams.

Ito ay sa kabila ng umiinit na kumpetisyon sa pagitan ng AlDub at ng mga pinakasikat na loveteams sa bakuran ng ABS-CBN—ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, at maging ng LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Dahil dito ay nagtatalu-talo sa social media ang kani-kanilang hukbo ng mga tagahanga na kadalasang nauuwi sa pamba-bash.

Kaya naman may pakiusap si Alden sa AlDub fans.

Saad niya, "Well, yun nga po yung sinasabi ko na, eto pong nangyayari ngayon, ‘tong AlDub, is not up for any competition with other fan clubs or loveteams.

"We’re just having fun and, yun nga po, sana wala na pong ganyan.

"Let’s be at peace na lang, kiligin na lang tayo nang sabay-sabay, magtawanan na lang tayo nang sabay-sabay.

"Huwag na tayong mag-away-away kasi, eto naman, wala naman pong dapat pag-awayan in the first place."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa launching nila ni Maine bilang endorsers ng TNT Extend ng Talk 'N Text.

Ginanap ang presscon nitong Lunes, September 14, sa Cocoon Boutique Hotel, sa Sct. Tobias corner Sct. Rallos, Quezon City.

MALL SHOWS. Hindi naman maipagkakaila kung gaano kasikat ngayon si Alden.

Patunay nito ang pagdagsa ng libu-libong katao sa kanyang mall shows.

Tila isang malaking prayer rally nga ang mga ginanap na mall shows niya sa Pampanga, Cavite, at Bulacan nitong mga nakalipas na araw.

Maging si Alden ay namamangha sa ibang klaseng suporta na ipinapakita sa kanya ng publiko.

Sabi niya, "I mean, when I do mall shows po outside of GMA, yung mga mall shows here and outside Metro Manila, naging iba po yung recognition ng mga tao sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, very unexpected.

"Like, nito lang pong [Sunday], I went to Starmall San Jose Del Monte, Bulacan, talagang the people there were… unexplainable din po kung why are they there to watch me perform. '

"E, marami naman pong artista nagpupunta dun."

Dahil sa napakaraming tao ay nag-alala raw si Alden sa kaligtasan ng mga ito.

Lahad ng Kapuso star, "Nung bumaba po ako ng sasakyan, yun po yung unang concern ko, e.

"Hindi na po yung kaligtasan ko kundi yung mga tao sa labas."

Binigyang-linaw rin ni Alden ang tungkol sa kumalat na video ng mall show niya sa isang mall sa Imus, Cavite, noong September 11, kung saan nasaktan diumano siya.

Lahad niya, "Actually, ito po yung truth behind that…

"Bago po ako pumasok sa door, nung pagkakuha ng video, medyo na-out of control po yung crowd.

"So, medyo nahila po ako, medyo na-grab yung mga parte ng katawan… pero na-control naman.

"Saka in-advise na lang po ako ng security na yumuko na lang daw po ako para hindi na po masyadong mag-react yung crowd.

"And then, yung tanong po sa akin dun na, ‘Alden, are you okay?’ May nagtanong po na isang security.

"Kaya po ako umiling nun, ang sabi ko, ‘Hindi, okay po ako. Wala po akong injury. Okay ako.’

"Yun po ang sabi ko."

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pag-aalala ang ka-loveteam ni Alden na si Maine sa kaligtasan ni Alden, sa pamamagitan ng isang taong malapit sa aktor.

Ano ang reaksiyon dito ng Pambansang Bae?

Sagot niya, "Thank you naman.

"I mean, kumbaga, siya na yun, e, siya being herself na.

"So, thank you, thank you for the concern."

UPCOMING PROJECTS. Maliban sa Eat Bulaga! at Sunday Pinasaya, karamihan ng mga proyektong nakalinya para kay Alden ay may kinalaman sa AlDub loveteam.

"So, yung projects that’s coming in [are] still under negotiation, still conceptualizing things that can happen in the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero as of now po, it’s more of AlDub pa rin."

Kailan naman siya ulit mapapanood sa isang teleserye?

Ayon kay Alden, "Pinagmi-meeting-an na ng Entertainment department ng GMA, pero hindi pa po siya final.

"We’ll just wait for the news po."

Posible rin kayang si Maine ang makapareha niya rito?

"Who knows? Di ko pa rin po masabi. Hindi ko rin po alam, baka po," nakangiting sagot ng Kapuso actor.

Kinumpirma na rin ni Alden na kasama siya sa 2015 Metro Manila Film Festival entry nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, pero hindi pa raw sigurado kung makakasama rin dito si Maine.

"Yes, I’m going to be part of the movie po, that’s for sure.

"But about Yaya Dub po, I can’t answer that because it lies on her management.

"Pero eto po, for Boss Vic and Ms. Ai-Ai, sure na po na kasama ako for MMFF.

"And hopefully po, kasama rin si Maine, si Yaya Dub."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN