Maine Mendoza confirmed for MMFF movie with Alden Richards

Mula sa telebisyon at TV commercials, ngayon ay mapapanood na rin ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza sa pelikula. Kumpirmado na kasi ang partisipasyon ni Maine sa My Bebe LUV, kung saan makakasama niya ang kanyang ka-loveteam na si Alden pati na sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.


Mula sa pagiging Internet sensation, noontime-show darling, at most sought-after endorser, ngayon ay magiging movie star na rin si Maine Mendoza o Yaya Dub.

Kumpirmado na ang partisipasyon ni Maine sa pelikulang My Bebe LUV, na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Kinumpirma ito ng APT Entertainment Inc. executive at direktor na si Mike Tuviera sa pamamagitan ng kanyang Twitter post ngayong gabi, September 15:

Maine. MMFF 2015. Merry Christmas, #AlDubNation!!!! #ALDUBForTALKNTEXT

— Michael Tuviera (@DirekMike) September 15, 2015

Nagbigay rin ng pahiwatig ang magiging direktor ng My Bebe LUV na si Jose Javier Reyes sa pamamagitan ng sunud-sunod na Instagram posts (direkjoey), kung saan kasama niya sa mga larawan si Maine na tila kuha sa isang studio.

Isa sa mga caption ni Direk Joey sa larawan ay "ALAM NA."

Hmmmm....

A photo posted by @direkjoey onSep 15, 2015 at 3:11am PDT

A photo posted by @direkjoey onSep 15, 2015 at 4:22am PDT

ALAM NA.

A photo posted by @direkjoey onSep 15, 2015 at 4:46am PDT

Sinundan pa ito ng director-scriptwriter ng isang mensahe sa kanyang Twitter account (@direkjoey), kung saan binanggit nito ang pangalang "Anna" na posibleng pangalan ng karakter ni Maine sa pelikula.

Great to meet a sweet & unassuming little girl like @mainedcm to share some stories & laughs. See you soon, my Anna. Spread the love.

— Joey Javier Reyes (@DirekJoey) September 15, 2015

Si Maine naman ay may maikling Twitter post na posibleng naglalarawan ng kanyang nararamdaman ngayon:

s t o k e d

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 15, 2015


FIRST ALDUB MOVIE. Makakasama ni Maine sa My Bebe LUV sina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, at siyempre pa ang ka-loveteam niya sa Kalyeserye na si Alden Richards.

Bukod sa ito ang unang pelikula ni Maine, ito rin ang magiging kauna-unahang pelikula ng tambalang AlDub.

Dito mapapatunayan kung ang kasikatang tinatamasa ng AlDub sa telebisyon, TV commercials, at social media ay kayang umabot hanggang sa big screen.

Mahigit dalawang buwan pa lamang si Maine sa showbiz, pero napakarami nang magagandang pangyayaring dumarating sa kanya.

Pagkatapos mag-click sa mga manonood ang tambalan nila ni Alden ay naging sunud-sunod ang offers mula sa iba't ibang kumpanya para kunin silang endorsers.

Mahigpit din ang kagustuhan ng AlDub fans na mapanood sina sila sa pelikula, at magkakaroon na nga ito ng katuparan.

Matatandaang noong inanunsiyo na posibleng makasama ang AlDub sa MMFF movie nina Vic at Ai-Ai ay hindi pa makumpirma noong una kung tuloy si Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay dahil posibleng makaapekto ang partisipasyon niya sa pelikula sa magiging takbo ng istorya ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ngunit tila naplantsa na kung anuman ang dapat ayusin, kaya tuloy na ang pagsasama nina Maine at Alden sa big screen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN