Ryzza Mae Dizon on possible real romance between Alden and Maine: “May chance siguro.”

Aminado ang 10-year-old Kapuso star na si Ryzza Mae Dizon na isa siyang AlDub fanatic. Katunayan, bukod daw sa kinikilig siya, nandun pa yung napapasayaw siya at napapaiyak sa kapana-panabik na tagpo ng Kalyeserye sa Eat Bulaga.


Isa si Ryzza Mae Dizon sa nakiiyak, kasama ng AlDubNation, sa pangalawang pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, sa Kalyeserye ng Eat Bulaga noong Sabado, September 12.

Kinilig ang fans ng #AlDub dahil nagkadikit at nagkalapat ang kanilang mga labi kahit sa straw lamang.

Katunayan, umabot sa 6.37M tweets ang inani ng hashtag na #AlDubTheAbduction, na sumira rin sa kanilang naunang record bilang trending topic sa Twitter.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza meet again; had their first touch and 'first kiss'

Ayon kay Ryzza, “Kasi fan ako nila, AlDub. Sobra po akong kinikilig.

"Tatlong Saturday… last Saturday po, nung nagkita na sila, ayun, dun ako sa hosts' room, kinikilig.

“Sumasayaw ako dun sa room, tapos minsan umiiyak po ako.

"Yung mga tao dun, bini-video ako—si Tita Ruby [Rodriguez], si Tito Bitoy [Michael V].

"Pinost niya nga po, e."

#ALDUBTheAbduction Good luck Twitter. Kaya mo 'yan.

A video posted by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy) onSep 11, 2015 at 11:14pm PDT

Dati na raw hinahangaan ni Ryzza Mae ang Kuya Alden niya.

Natatawa pang sabi ng child star, “Mabait si Kuya Alden. Tsaka Dabarkads na rin po siya, best friend ko na rin po siya.”

Pero hindi naman daw masasabi ni Ryzza na crush niya ito, kundi kalaro lang niya lagi ang Pambansang Bae sa Eat Bulaga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Ryzza sa grand presscon ng pagbibidahan nitong daytime series, ang The Ryzza Mae Show Presents…Princess in the Palace, ngayong Martes, September 16.

Ginanap ang presscon sa Le Vere Events Place sa Sgt. Esguerra, Quezon City.



ALDEN’S FEELING TOWARDS MAINE. Bilang araw-araw halos nakakasama ni Ryzza Mae ang kanyang Kuya Alden, nararamdaman ba niyang may pagtingin na ito kay Yaya Dub o Maine?

Sagot ng pinakabatang talk show host, “A, may chance po, pero hindi ko pa po alam.

“May chance siguro.”

Gusto ba niyang magkatuluyan ang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kilig na sagot ni Ryzza, “Opo!”

Tinatanong naman daw niya ang kanyang Kuya Alden tungkol dito, pero ayaw raw nitong sabihin dahil nahihiya ito.

Palagi naman daw niyang tinutukso si Alden tungkol sa kilig na nararamdaman nito kay Maine.



PRINCESS IN THE PALACE. Sa Princess in the Palace, gagampanan ni Ryzza ang role bilang si Princess, isang masayahing bata mula sa Barangay Krus na Puti.

May isang aksidenteng mangyayari kung saan maililigtas niya ang Presidente ng Pilipinas na gagampanan ni Eula Valdes.

Matapos nito, pinahanap siya ng presidente at pinatira sa Presidential Palace.

Sabi pa ni Ryzza Mae, "Yun ang aabangan nila, ang buhay ko po sa loob ng palasyo."

Bukod kay Eula, kabilang din sa cast sina Aiza Seguerra, Boots-Anson Rodrigo, Dante Rivero, Ciara Sotto, Neil Perez, Ces Quesada, Marc Abaya, Lianne Valentin, Miggy Jimenez, Vince de Jesus, at Rocky Salumbides.

Mapapanood na ang The Ryzza Mae Show Presents… Princess in the Palace simula sa Lunes, September 21, 11:30 ng umaga, bago mag-Eat Bulaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN