Dingdong Dantes will not attend Senator Grace Poe's UP event; denies bid for senator

"Hindi po, I respectfully reiterate that I am not running for any post this 2016," ito ang paglilinaw ni Dingdong Dantes kaugnay ng report na kasama raw siya sa senatorial lineup ni Senator Grace Poe sa 2016 elections.


Pinabulaanan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang ulat na lumabas sa isang broadsheet na tatakbo siya bilang senator sa 2016 elections.

Nilinaw rin ni Dingdong ang balitang lumabas na sila ng asawa niyang si Marian Rivera ay nangunguna sa listahan ng mga celebrity na susuporta kay Senator Grace Poe sa 2016.

Ngayong gabi, September 16, inaasahang ihahayag ni Senator Grace ang kanyang kandidatura bilang Presidente sa 2016 elections. Gananapin ito sa Bahay Alumni ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Read: Dingdong Dantes, Marian Rivera to support Grace Poe's candidacy in 2016 elections?

Ilang beses nang sinabi noon ni Dingdong na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa 2016 elections, kaya marami ang nagulat sa report na lumabas sa Philippine Daily Inquirer.

Sa pamamagitan ng text message na ipinadala ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, September 16, ay nilinaw niya ang ulat na ito.

Pahayag ng aktor, "Hindi po, I respectfully reiterate that I am not running for any post this 2016.

"I confirm though, that I received an invitation yesterday to attend the UP event today.

"However, due to my current duties as an appointed official of the National Youth Commission, I have several official youth engagements today that are related to our our ongoing Climate Change advocacy programs, which I am spearheading.

"Senator Grace Poe is a friend, and I wish that she be guided by our Almighty God in her journey today."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN