Life goes on for Pokwang after miscarriage

Pokwang thanks boyfriend Lee O'Brian, family, and friends for staying by her side after losing her baby.


Unti-unti nang nakaka-move on si Pokwang mula sa pagkawala ng kanyang ipinagbubuntis noong nakaraang buwan.

Sa ulat ni MJ Felipe sa Bandila kagabi, September 15, dumalo ang komedyana sa libreng pabinyag ng kinabibilangan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Nathaniel.

Sa panayam kay Pokwang, inilahad nito kung paano niya tinanggap ang malungkot na pangyayaring ito sa kanyang buhay.

“Ang sinabi ko lang sa sarili ko, may mas magandang plano si God.

“May mas matibay at ikakasaya naming lahat,” sabi ng Nathaniel actress.

Sa kabila raw ng lahat, nanatili naman sa kanyang tabi ang kanyang American boyfriend na si Lee O'Brian.

“Nandiyan siya, hindi siya umaalis sa tabi ko.

“Alam mo 'yon, lagi akong sinasabihan na, 'Huwag kang [mag-alala] nandito lang ako. Hindi kita iiwan kahit ano'ng mangyari.'”

Sa naunang panayam naman ng Showbiz Konek Na Konek kay Lee, sinabi niya tungkol kay Pokwang, “I can love her unconditionally and that's what I did, I still do that, and so it's all good that way.”

Read: Pokwang suffers miscarriage, confirms her American boyfriend

Bukod kay Lee, nagpapasalamat din si Pokwang sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

"Sa tulong ng mga kaibigan ng pamilya, pinalalakas nila ang loob ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN