Alden Richards melts Maine Mendoza's heart by giving her handwritten love letter

Handwritten love letter ang isa sa Christmas wish list noon ni Maine Mendoza. At nahuli man ng halos tatlong taon, nagkaroon ito ng katuparan nang bigyan siya ni Alden Richards ng card na naglalaman ng sulat.


Tila nakuha ni Alden Richards ang kiliti ni Maine Mendoza kung kaya't napaiyak si Yaya Dub sa handwritten message sa kanya ng Pambansang Bae sa 2nd monthsary ng tambalang AlDub ngayong araw, September 16.

Lingid marahil sa kaalaman ni Alden, isa sa naging 'Christmas wish list' noon ni Maine ay makatanggap ng "simple handwritten love letter" mula sa mahal niya sa buhay.

Isiniwalat ito ni Maine sa kanyang blog na "The Pessimistic Optimist Bella" noong pang December 2012.

Sabi ni Maine sa kanyang blog entry: "Last but not the least, a simple handwritten love letter from a loved one. (call me old-fashioned, but I really appreciate handwritten letters more than anything)

"Para to sa mga taong walang budget na bilhan ako ng gift. Charot!!

"I love receiving handwritten letters, who doesn’t anyway?

"Ang sweet sweet kaya, plus it’s a great way to express your feelings to someone. Bigyan mo ng letter para damang dama! (insert nevergetsold hashtag).

Dagdag pa ni Maine, "I feel really special and loved everytime I receive letters.

"Lakas ng impact! Lalo na yung mga death threats “Di ka makakalabas ng bahay nyo ng buhay. Hayop ka, papatayin kita.” Lol kidding!"

Almost three years after, tila binigyan ito ng katuparan ni Alden nang bigyan niya ng card si Maine, kung saan nakasulat ang kanyang saloobin tungkol sa nakaraang dalawang buwan nilang pagpapakilig sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ito ang nilalaman ng sulat ni Alden na nagpaluha kay Maine:

"Hi Maine. Kumusta ka na?

"Kahit dalawang buwan pa lang ang nakakaraan, ang dami nang nangyari. May masasaya, may malulungkot, may masasakit.

"Pero lahat ng ito mayroon tayong natututunan. At walang hindi makakayanan basta handa tayo at ito ang gusto natin.

"At kung may may maniniwala sa atin, at may naniniwala sa atin at nagmamahal, ngayon pa ba tayo susuko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga naiba na sa buhay natin. Marami na. Pero maraming bagay din na hinding-hindi na magbabago kahit kailan.

"Alam mo na yun. At alam natin na kahit na ano mang pagdaanan natin, darating ang tamang panahon.

"Aldub you, Alden"

TRADITIONAL PINOY COURTING. Maraming kinilig sa ginawang ito ni Alden.

Maliban dito, marami rin ang natutuwa dahil tila ibinabalik ng AlDub ang tradisyunal na panliligaw ng mga Pinoy, na ibinaon na sa limot ng mga kabataan ngayon.

Matatandaang noong una ay tutol si Lola Nidora (Wally Bayola) sa pagmamahalan nina Alden at Yaya Dub, kaya naman galit na galit siya tuwing nagpapalitan ng Dubsmash at fan signs ang dalawa.

Tila patungkol ito sa modernong style ng panliligaw kung saan sa pamamagitan lang ng text at social media ay may nabubuo nang relasyon.

At para patunayang malinis ang intensiyon ni Alden kay Yaya Dub ay binigyan ni Lola Nidora ng iba't ibang pagsubok ang binata.

Gaya ng pagsasalok ng tubig, pagdadala ng isang bugkos ng kahoy mula Broadway hanggang EDSA (isang paraan na rin ng pagsisibak ng kahoy), at ang paglangoy sa swimming pool para kunin ang mga kapsula ng siling labuyo.

Lahat ng mga ito ay napagtagumpayan naman ni Alden.

Maliban dito, ipinapakita rin sa Kalyeserye ang tradisyunal na pagbibigay ng regalo, pagkain (Hany, Haw Haw, Mik-Mik, isaw, pili, laing, pangat), at bulaklak sa babaeng nililigawan; at ang panunuyo sa malalapit na tao sa iyong nililigawan.

Pati na ang panghaharana ng lalaking maniligaw sa kanyang napupusuan; gaya na lamang nang live na kumanta si Alden, sa unang pagkakataon, para kay Maine kanina.

At ngayon naman ay ang pagbibigay ng sulat para sa iyong minamahal.

Dahil dito, marami rin ang nagtatanong kung totoong ligawan na ba ang nangyayari kina Alden at Maine.

Bagamat, 'ika nga ay 'aktingan lang 'to,' hindi mapigilan ng mga tagasubaybay ng AlDub at ng Kalyeserye na umasang maging totohanan na ang nararamdaman nina Alden at Maine para sa isa't isa... sa tamang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN