Ai-Ai delas Alas explains why Jiro Manio's father does not want to talk to her

Ai-Ai delas Alas's promise: “Gagawin ko ang lahat para maging masaya yung pagkikita or maging maganda yung closure nung mag-ama [Jiro Manio and his father].”


Kahit hindi nakausap ni Ai-Ai delas Alas ang ama ni Jiro Manio sa Japan, naging daan ito para maayos ang ilang bagay tungkol sa relasyon nito sa anak na aktor.

Sa presscon ng bagong entertainment talk-comedy-magazine show ng GMA Network na CelebriTV noong September 15, sinabi ni Ai-Ai na gusto lang niya talagang tulungan si Jiro.

Gumanap na mag-ina sina Ai-Ai at Jiro sa movie franchise na Ang Tanging Ina.

Lahad ng Philippine Queen of Comedy, “Ito, ikukuwento ko ito, hindi dahil sa nakikisali, kasi tinanong niyo ito...

"Ayoko kasing pinaparatangan ako na ginagamit ko si Jiro sa publicity.

“Kasi, una sa lahat, hindi ko naman kailangan yun.

“Kasi hindi naman kailangan, di ba? Ako pa ba, in twenty years ko ba...

"At saka gumagastos pa ako para gawin ko ito kay Jiro.”

Ayon kay Ai-Ai, ayaw siyang kausapin ng Japanese dad ni Jiro.

“Ayaw naman niya talagang makipag-usap sa mga Pinoy kasi meron siyang sama ng loob.

"Iyon yatang lola, the mother nung mother [ni Jiro], is nagkaroon sila ng difference."

Hindi raw nakakarating kay Jiro ang mga ipinapadala ng ama nito.

“Dahil sabi niya [ama ni Jiro], parang ang nangyari kasi, yung responsibility niya being a father, nabura.

"Kasi yung lahat ng ipinapadala niya kay Jiro, hindi nakakarating kay Jiro.

“Kaya dun siya medyo sumasama ang loob.

“Ayaw nga niyang makipag-usap [sa akin] kasi masyado siyang nao-offend. And ayaw niya din yung magulo.

“And higit sa lahat, may sakit yung father.

“So, nirerespeto namin yung kalagayan nung tatay.”

Hindi na raw kinumpronta ni Ai-Ai ang lola ni Jiro kung bakit hindi nakakarating sa aktor ang suporta ng ama nito.

“Huwag na, hindi ko naman problema yun, e. Hindi ko na sakop yun.”



JAPANESE TO JAPANESE. Ang kaibigan na Hapon ni Ai-Ai ang nakipag-usap sa ama ni Jiro.

Kuwento niya, “Yung Japanese kasi, yung friend namin, si Mr. Nakasawa, siya yung nakipag-usap kay Mr. [Yusuke] Katakura [Jiro’s father].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nirerespeto namin dahil si Mr. Katakura is maysakit. Kakalabas lang ng ospital.”

Wala na bang pag-asa na makausap nila nang personal ang ama ni Jiro?

Sagot ni Ai-Ai, “Sabi ko nga, hangga’t may buhay, may pag-asa.

“Gagawin ko ulit ang lahat ng makakaya ko para maging maayos, at maayos ko itong problema nung dalawa.

“Bakit ko tinatiyaga ito? Kasi ipinangako ko ito kay Jiro, na gagawin ko ang lahat, na tutulungan ko siya nang walang kapalit.

“Si Lord na ang bahala sa akin.”

May sama ba ng loob kay Jiro ang ama? Alam ba nito kung ano ang mga nangyari kay Jiro?

Tugon ni Ai-Ai, “Actually, oo, alam niya lahat.

“Kasi sinusuportahan niya si Jiro... hindi ngayon, pero ibig kong sabihin, hindi niya binibitawan ang responsibility niya being a father.

“Nasa ano naman ni Jiro... kumbaga, victim nga yung dalawa, e. Yung father and son, victim.

“Parang [ang sinasabi ng father ni Jiro], ‘Ako, hindi kita kinakalimutan.’

“Yung anak niya, akala niya kinalimutan siya.”

May sama raw ng loob kay Jiro ang ama nito.

Kuwento ni Ai-Ai tungkol sa ama ni Jiro, “Nagagalit siya kasi parang bakit niya [Jiro] ginaganun ang sarili niya?

"Bakit siya nagse-self-destruct nang walang kadahilanan?

“Kasi hindi naman niya alam.

"Ang alam niya as a father, ‘Binibigay ko yung responsibility ko sa iyo, bakit ginagawa mo ‘yan sa buhay mo?’

“Kasi ang Japanese, ganun, e. Hindi nila puwedeng bitawan ang responsibility nila.

“Ang plano niya [Jiro’s father] is magpagaling siya, dahil grabe ang sakit nung father.

“Sabi ni Mr. Nakasawa, namamaga yung paa ng father ni Jiro.”



CLUELESS JIRO. Hindi pa raw alam ni Jiro ang mga naging kaganapan sa pagpunta ni Ai-Ai sa Japan.

“Bukas ko pa lang siya kakausapin,” sabi ni Ai-Ai.

Hindi alam ni Ai-Ai kung ano ang magiging reaksiyon ni Jiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero matutuwa raw siguro si Jiro dahil malalaman nitong hindi pala siya pinabayaan ng ama.

“Depende, kasi may kundisyon si Jiro.

"So, hindi din natin siya puwedeng biglain kung ano yung sinasabi nung father.

“Kasi hindi din naman niya alam na ganun, e.

“Or hindi ko lang din alam kung alam niya na ganun yung sitwasyon ng father.

“Hindi niya alam kasi yung lola ang nasa middle, e.”

May chance ba na madala ni Ai-Ai si Jiro sa Japan?

Sagot niya, “Gagawin ko ang lahat para maging masaya yung pagkikita or maging maganda yung closure nung mag-ama.”

Dagdag ni Ai-Ai, “Pinapagaling muna natin yung father. Nirerespeto namin yung kalagayan nung tatay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN